*PAKKKKKKK*
:o :o :o
WOAH! Ang Angel Kicker na naman lumitaw! :D Sipaan sa mukha.. haha. Di ko akalaing nakakatuwa palang manood ng ganito.
lunok. Napahawak ako sa pisngi ko. Ang sakit nun huh? Kawawa naman si Ricky. Bakit kaya? Kung lumapit kaya ako ng mas mabuti. ::)
"Bakit mo yun ginawa!!!" sigaw ni Ricky. Duguan ang bibig niya. Tsk. Tsk. Kawawa.. ang sakit nun, alam ko.
Nagpapatunog naman ng kamay tong si Tin. Siga! >:(
"Sinabi ko lang naman na.. MAKIPAGBREAK ka na lang sa syota mong yun. Di kayo bagay.. Playboy yun! Panigurado!!! Anu bang problema mo!?"
Ako ba ang tinutukoy? Ay XET oh, kung bangasan ko kaya to ng isa pa.
Pinilit tumayo ng G*gong si Ricky pero..
*PAKKKKK*
:o 8) Bago pa siya makatayo, NASUNTOK na siya ni Tin. Nag-aaral ba ng martial arts ang babaeng to!? ???
"SUMUSOBRA K-"
Hinawakan ni Tin ang kwelyo ni Ricky. Nakakatakot ang mga tingin ni Tin. Ganyan siya makatingin nung time na ako ang nasipa niya sa mukha.
"Bakit di ka pa nakikipagbreak kay Karyl?!"
Thump. Napalunok ako. Ewan ko.. pero may naramdaman akong iba. Kay Tin.. gusto ba niya si Ricky. Is she jealous? :-\
"Mahal ako ni Karyl!" binitiwan niya si Ricky.
"Pero NILOLOKO mo lang siya!!!"
Napalingon ako sa likod ko. May tao.. :o :o
:'(
"Bakit ayaw mong lubayan ang bestfriend ko! Mahal ka niya! At siguradong masasaktan siya kapag nalaman niyang may mga BABAE KAAAAAA~" narinig ko ang pagsipa ni Tin kay Ricky.
Pero ngayon.. umiiyak na si Karyl. Narinig niya.
"AT ANG KAPAL NG MUKHA MONG AGAWIN AKO KAY LI! Boyfriend ko yun!.. GA-GO!!!~"
"AHHH!!"
Tumakbo si Karyl. Susunduan ko sana kaso nakita kong bugbog sarado na si Ricky sa sipa at suntok ni Tin. Kaya inawat ko na si Tin.
"Tin tama na!!!" hawak ko ang kamay niyang ready na muling manuntok.
"Hindi ka talaga nagtatanda! Ilang ulit ba kitang bubugbugin sa bawat date niyo ni Karyl PARA LUBAYAN MO SIYA!!" galit na galit si Tin.
Kaya hinawakan ko ng mabuti ang kamay niya.
"Ayoko.. ayokong umiiyak ang mga babae dahil sainyong mga lalaki.." nakatungo siya pero di siya umiiyak huh.
Hinayaan ko ng tumakas si Ricky.
"Siguro naman ngayon. Lulubayan na siya ni Karyl." lumambot ang pagkakatiklop ng mga kamay niya. "Sa lakas ba naman ng boses mo at di niya marinig."
Tatakbo sana siya pero hinawakan ko ang kamay niya para pigilan siya.
"BITIWAN-"
"Kailangan niyang mapag-isa at mag-isip. Masyado niyang minahal ang gagong yun."
"Iiyak siya.. gaya noon.." ang seryoso naman niya. Di ako sanay. Sigh.
"Di ko man alam ang nangyayari pero magiging ok siya kung hahayaan mo muna siya."
Tumigil naman siya. Nakatayo lang kami habang hindi parin siya humaharap o umiimik man lang. Bakit ko ba siya kinokomport? Character ko ba'to? Walang alam si Li sa ganyan.. feelings ng mga babae. Pake ko naman noh. "AT ANG KAPAL NG MUKHA MONG AGAWIN AKO KAY LI! Boyfriend ko yun!.. Hmm.. Bakit biglang uminit ang pakiramdam ko? :-[ Namumula ata ako ah? Bakit ko ba iniisip ang sinasabi nung babaeng to. ??? >:(
"u..u..Uwi na tayo?" xet!! Bakit ang bilis ng tibok ng puso ko.
Lumakad ako pauna. Baka malungkot parin siya.. yun pala..
*PAK*
"Aray! Bakit mo naman ako sinuntok sa tyan."
Ang sakit nun huh. Baliw talaga ang babaeng to.
"Masyado ka ng mapagsamantalaga. Halika at uuwi na tayo! Pagluto mo ako ng makakain huh!!!"
Dapat ba akong magalit.. eh nakangiti na yung sheman eh. Argh! Baliw nga! Heh..