1 photo a-2.jpg 6 photo f.png 7 photo g.jpg 2 photo b-2.jpg 3 photo c-2.jpg 4 photo d.jpg 5 photo e.jpg  photo h-1.jpg

NAVIGATION

Chapter 5

"Goodmorning!"

Dapat ba akong mainis. Dahil pagkagising na pagkagising ko, mukha agad niya ang nakikita ko. Gulo na naman ang mangyayari sakin. Kawawa naman ako.. >:(

"Uy.. umuungol ka ba?"

Tiningnan ko siya ng masama habang nakataklob pa ang ulo ko ng unan. Nakaupo pa siya sa kama ko. Ngumiti siya at niyugyog ang kama. Di na ako makakatulog. Ang baliw na babaeng to. >:(

"Bakit na naman?" bakit ka ba dindikitan ng babaeng to Li, may kasalanan ka bang malaki?

"Hindi ka pa ba nakakakain?" huminto siya sa kakayugyog.

"Pinakain na ako ng papa mo. Ang sarap talaga ng ramen niyo!"

Bumangon agad ako. :o

"Ramen! Baliw ka ba! Puro sabaw at noodles yun! Dapat kanin ang kinakain mo!"

Sobrang lapit ng mukha namin. Medyo nagulat siya pero ngumiti rin siya.
*Pak*
Dapat ba akong mamula sa matamis na ngiti niyang yun. Baliw. Hampasin ba naman ako ng unan.

"Edi ipagluto mo muli ako."Bakit ko ba pinagsisilbihan ang babaeng to? Tanga talaga ako..



Nagsimula na akong magluto. Sulyap ako ng sulyap sa kanya habang naglalaro siya ng video game. Nung isang araw kasi nung naglalaro siya bigla siyang nadulas sa kakatalon, pagtinulungan ko naman pati ako nadadamay. Pagkumakain naman to.. biglang nabubulunan, pagpinainom ko biglang uubo sa harap ko, nawalan na ako ng gana. Pagtatabi naman siya sakin sa kama, parehas kaming nakakatulog pero paggising ko nasa sahig na siya yakap-yakap ang paa ko. Muntik pa nga akong mamatay dahil akala ko binabangungot ako. Sigh. Yun pala dahil sa baliw na'to.

"Wow! Fantastic!"

Yan na naman ang walang manners niya. Pwede namang tahimik na lang siya diba.

"ggmhdgmdhmdtdpjd- onga pala, bibisitahin ko ang kaibigan ko. Si Karyl. Magdedate kami."

Muntik pa akong mabulunan. :o

"oa nito. Joke lang.."

As you can see, she's my official girlfriend.. sa mata ni Papa. Kaya pwede siya dito anytime. Mautak kasi ang baliw na'to.

"Sama ka ah. Magdedate tayo."

Anu ako bata para gawin ko yan.

"Sabi ko kasi bf na kita. Double date ba!"

Tuluyan na akong mamamatay. Naninigas na ako sa pinagsasabi nito. :o

"Ahahaha! Oa talaga nito.. echos uli. Magdedate na naman kasi sila ng bf niya."

"Di naman kita kaanu-ano para gawin lahat ang gusto mo."

Natahimik siya bigla. Nagready na ako, baka sapukin na naman ako nito. O ano..

"Tito tingnan niyo po!~" nagteary eyes siya. Tapos nakita ko si Papa'ng ang sama ng tingin sakin.

"Jo-joke lang. Echos nga diba! Kanina nagjojoke ka eh.." di parin siya nakuntento. "Oo na, date na tayo." kumain na ako.

"Really?! Heto oh para makabawi ako."

Nakita ko si Papa'ng hinihintay ako. Ngumanga naman ako.. isusubo na ni Tin pero pag-alis ni Papa.

ubo.ubo.ubo

"Oa mo!"

"Fake ka talaga noh." nakarecover din.

"Hindi ah. Sweet lang." hinawakan niya ang pisngi ko.

"Naku! Aish-" tumawa siya at tumigil din naman.

Simula ng tawagin ko siyang baliw at jologs. Lumabas na yung tunay niyang ugali. Malademonyong babae, childish pa. >:( Palagi pa kaming nag-aaway kaya ganito. Kaasar naman kasi.. di ko naman siya maiwan kasi iniisip nga ni Papa na gf ko siya. Tapos dahil daw maganda siya.. perfect daw kami. Kapal noh! >:( Tuwang-tuwa kasi si Papa dahil atlast di naman daw pala ako bakla.



"Yan ba talaga ang isusuot mo? Alam mo bang first date ko 'to? Tapos one of the boys look ang makakadate ko."

Nakacap siya na hindi na naman kita yung buhok niya. Mukha siyang tomboy tapos nakaskinny siya at nakahigh-cut na rubber shoes siya, tapos ordinary t-shirt uli, purple ang kulay.

"Ok na to. Atsaka di porket pogi ka e matuturn-off na yung mga fans mo. Di naman totoong tayo, di rin totoong date to." tama siya. Tss..

"Wala naman akong pake! Para ka lang talagang tom-" tumigil ako. Napatingin siya. Parang wala naman ata siyang narinig. Muntik na ako dun.

"Anu kamo? Eh yang suot mo? Sigurado ka bang ok ka na dyan?" tiningnan ko sarili ko. "Di kaya masyado kang gwapo dyan, :D" nang-iinsulto! >:(

"Di ako bading noh!" tumawa siya.

Sumakay na akong motor. Tiningnan ko siya na kanina pang nakatingin lamang sakin.

"Don't worry di pa naman sukdulan ang galit ko sayo kaya di kita ihuhulog." nagbablush siya ???

"Baliw! Bugbugin muna kaya kita bago ako mahulog dyan." anu bang problema nito at nagbablush. Binato ko yung helmet sa kanya.

"Isuot mo yan. Tara na.."










"Diba talaga yan nakakatakot?"
HTML Comment Box is loading comments...