Baliw talaga ang babaeng yun. Anu yung sinabi niya? Na babalik daw siya dito. Anu ako baliw para papasukin ang baliw na yun. >:(
"Nandito na ako!" sinalubong ko si Papa. Masyado siyang abala.
"Li!" napatingin ako.
Si papa at mama lang ang natawag ng Li sakin, sa school Shaoran ang tumatawag sa mga nakakakilala sakin, at yung mga fc or epal gene. Lumingon ako.
"Bakit po?"
"May customer tayo." napatingin ako.
Oo madami naman talagang costumer. Pero mas maganda diba kung magpapalit ako ng damit? May tinuro si papa sakin. ??? ???
"Pa-"
"mghdgdjmgmhmgtwptg- mmm.. Hi Li!" muntikan na akong mabilaukan ng sarili kong laway. ~_^ Kaya pala hindi ko mahulaan kung anu ba siya? Babae o nagpapanggap lang? >:(
Ang boses at pananalita. Ang walang manners gumalaw. Ang babaeng yun na naman.
"Nandito ang gf mo!" bulong ni Papa, ngumiti naman ang baliw.
"Pasensya ka na huh. Napagkamalan pa tayong magkasintahan. Hindi na nga tayo magkakilala tapos ganun pa. Hehe.. eh pano kasi, yung papa mo binigyan ako ng libreng pagkain. Ang sarap magluto ng Papa mo.. ramen soup. Walastik! Ang galing huh!-" tiningnan ko siya ng masama. >:(
Ang baliw nandito. Nilapit ko ang mukha ko sa mukha niya. Anu ba naman ang babaeng to..
"Tapos na ang paghanga. Sana naman inayos mo ang sarili-" napapikit siya nung inalis ko yung dumi sa mukha nixa.
*thump*
"Anu bang kalokohan to! Umalis ka na nga!"
Tinalikuran ko siya. Yung kanina.. heartbeat ko ba yun? :-[
"Don't worry hindi malalaman nung crush mo lahat ng nangyayari satin!"
Umalis na ata siya. Hindi parin ako humaharap nang makarinig ako ng..
*Blag*
Hinawakan ko siya sa bewang niya. Napaupo naman kami parehas. Nasa ibabaw ko siya.. naaamoy ko ang buhok niya.
*thump.thump*
"Lumayo ka nga." hindi siya nakinig.
"Wah! Ang ipit ko!" tumingin siya sakin. Sobrang close! >:(
Tumayo ako at lumayo sa kanya. Parang siyang walang pakiramdam! Anu bang iniisip niya.. Nilingon ko siya. Hawak hawak niya ang buhok niya. Tumingin siya sakin. *thump.thump* Ang mga tingin na yun! Nakakaasar!
"Bakit ka naman kasi dyan sa balcony dadaan! Paano pag nahulog ka!?"
"Ang ipit ko nahulog~"
"Ipit lang yun."
Hindi parin siya naiingling tumayo. Hawak-hawak parin niya ang buhok niya. Ang amoy niya.. ang bango. :-[ >:(
"Oo na! Kukunin ko na ang ipit mo sa ibaba."
Pumunta na ako sa ibaba. Medyo madilim na. Hinanap ko yung ipit niya. Bumalik sakin yung tanong, anung ginagawa ko at ba't ko hinahanap ang gamit niya? Panigurado, ako na naman ang mapapahamak sa mga pinaggagagawa kong to eh. Akala mo kung sinong astig at barako kung gumalaw pero imateur naman sa kaloob-looban. Bakit ba ako nagpapaloko? >:(
Pumasok na ako sa loob at pumunta sa kwarto ko.
"Heto, nakuha ko na!"
Pagtingin ko sa balcony wala siya. Sinarado ko na ang pinto at baka umuwi na siya sa apartment niya. Pero pagdating sa kama..
"Tsk! Ikaw!-" natutulog na siya. ???
Nilatagan ko siya ng kumot. Ang babaeng to.. kung di na lang kaya siya magsalita at laging manahimik. Siguro ang ganda niyang tingnan, hindi nakakaturn-off.
Napatigil ako. Sandali.. bakit ako nagiging malambot. Diba nga purwisyo lang ang binibigay ng mga babaeng yan.. Sinipa niya rin ako ng walang dahilan. Naiinis din ako sa kanya.
Aalisin ko na sana ang kumot pero nung nakita ko yung mukha niya parang may iba akong naramdaman..
"Siguro nga hindi pa time para maghigante ako."
At hindi porket maganda siya.. magpapakahina na ako. Inis pa rin ako sa kanya noh.
Pero baliw rin ata ako.. napapangiti ako nang walang dahilan.
"Baliw at Jologs, sinong lalaki ang matutuwa sayo?!"
Bigla siyang bumangon. Ang buhok niya natatakluban ng mukha niya. Nakapikit parin siya. Tulog siya?
:o ??? Anung problema?
pero.. pagkatapos nun..
*BOOOOOOGSH!!!*
"ARAy-yihhhh!!!"
Batuhin ba naman ako ng unan. Halimaw talaga. AISH! Tsk