"ARAY!!!" hinigpitan ko ang pagkakahawak sa dalwa nyang balikat habang nakaleaned sya sa pinakamalapit na pader.
"Si Gene Mikael Cullen? Anong ginagawa nya? Bakit nandito sya?" >:(
"Nasasaktan ako! BITAWAN MO A--" nagulat sya nung makita ang reaksyong ng mukha ko.
"SHAORAN!!!" may biglang humigit sakin. Napaupo yung babae at napahawak sa balikat nya na mukhang sa sobrang sakit ng pagkakahawak ko ay di nya nakayanan.
"Jhenny okay ka lang!?" kahit ang mga kaibigan nya, walang magawa.
"Shaoran, ano bang nangyari?" galit na galit parin ako. Napansin ko naman na ang lahat ng tao dun ay nakatingin samin. Lahat sila walang magawa, kasi nga.. ako si Gene Mikael. Tss!
Kahit yung Jhenny rin na yun, sobrang nanghina. >:(
Bumitaw ako kay Derik, "Kung alam yan ni Shin, sisiguraduhin kong hihiwalayan ka nya! Wala kang karapatang husgahan ang mga taong hindi mo naman talaga kilala!" nagwalk-out ako. At pansin ko, na hindi parin natatanggal ang atensyong ng lahat.
"Shaoran!!!" sinundan pala ako ni Derik.
"Huy, ano ka ba naman. Kaya nga kita pinapunta para magsaya. Tapos.. Galit ka na naman."
Inalis ko ang kamay ni Derik sa balikat ko. Tiningnan ko sya. At parang naging tuod sya. At umalis na uli ako. Naglakad.. at nagpakalayo.
Habang naglalakad ako. Napansin ko naman ang paligid. Ang lugar. Tumigil ako. :-\ Ang lugar na'to. ..pakakasalan mo ba ako, Tin?" Hindi man nya sabihin noon, pero nireject nya ako dito. :(
Napaub-ob ako.
"Argh! Ano ba talagang dapat kong gawin para makalimutan kita!!!" may likidong umagos sa may pisngi ko. Naagaw naman ng atensyon ko ang panyong bigla na lang nasa tabi ko.
Napatingin ako sa taong naglagay nun. ???
"Bakit ka nandito?" agad kong pinunasan ang luha ko. Letche naman oh! Ang bading! >:(
"I'm breaking up with you." napatingin lang ako sa kanya.
"Hm! Hindi ka man lang nagulat!? >:(" nagpout sya. Ngumiti naman ako. Pero fake.
"Yun ang sasabihin ko sa lahat, sasabihin kong.. wala na tayo. Sorry huh, hindi ko pwedeng sabihin na wala naman talagang tayo. Ako kasi ang masisira! >:( " tiningnan ko lang sya. Gusto kong tumawa. Pero wala talaga ako sa mood.
Pati sya napatuon narin din sa may bakal at nanood sa kapaligiran.
"Yung babaeng yun na naman ba? Makikinig ako." tumingin sya sakin. Ang lungkot ng mga mata nya. Parang.. kahit na anong oras na lang ay may tutulong luha sa mga mata nya. Sinubukan kong hawakan ang pisngi nya. Pero.. :o
Tumungo agad sya.
"Mahal mo ba talaga sya." nakatungo sya habang hawak ang kamay ko na kanina lang ay sinusubukang hawakan ang pisngi nya.
"Wala na sya eh. Iniwan na talaga nya ako. 2 araw na.. pero nararamdaman ko, hindi na talaga sya babalik. Kung iniwan nya ako nung una, wala na diba?.. Wala ng pangalwang pagbabalik, kung iiwan nya muli ako. Gusto ko ng makalimot. Ang hirap maghintay.--"
Nagulat ako ng bigla nya akong yakapin. Nabasa ang t-shirt ko. Umiiyak si Miss CC. :-\
"Ngayon lang.. ngayon ko lang talaga naramdaman to! Kaya please! Wag mo naman akong ganitohin. Talaga bang gusto mong iwan kita.. ayaw mo ba akong kasama! Hm.. *sob* Kasi.. gusto kita! Pwede naman akong maging replacement! :'(" hinawakan ko ang magkabilang balikat nya.
"Sorry.
Pero hindi ko kaya suklian ang feelings mo sakin. Kasi.. hindi tumatatak sa isip ko na kalimutan si Tin. Gusto ko lang makalimutan ang sakit na nararamdaman ko." lumuwag ang pagkakayakap nya.
Bigla naman nya akong sinikmuran. ??? This time, masakit talaga yun. :o Tapos galit pa sya makatingin.
"Akala mo kung sino!? Bakit sino ka ba para bastedin ang gaya kong celebrity! Hindi porket na sikat ka naman sa mga kababaihan! At isang sulyap lang sayo, nakakabighani ka na- wala kang karapatan! >:(" lumuluha parin yung mata nya :-\ "Makakalimutan din kita! Lalayo ako! At di mo narin ako makikita!" nagwalk-out naman sya.
Pinanood ko sya habang naglalakad palayo sakin. Halatang halatang umiiyak sya.
"MAKIKITA PARIN KITA! Remember, celebrity ka nga diba. :) " napatigil naman sya sa paglalakad ng marinig ang sinabi ko. "Ingat ka palagi. Atsaka.. nandito lang din ako. Hindi kita makakalimutan Miss CC." humarap naman sya. Umiiyak pa talaga sya. Ngumiti naman ako. :) At naglakad na din palayo.
Uuwi na ako.
Click.. Click.. Click.. Click..
Tiningnan ko yung camera. Ang dami na palang nakunang pictures ??? At... ang ganda pala ng kapaligiran :)
Ring.. Ring..
"Hello?
Oh ma? Ah.. opo, uuwi na ako. May mga places pa kasi akong dapat kunan!
Opo! Bye!"
Binaba ko na ang cp ko. At oo.. umuwi na si Mama! Hmm... Mga 1 buwan lang naman sya dito. Ang hirap no. Kaya nga sinusulit namin ang mga oras na magkakasama kami.
"Punta na po ako sa kwarto!" tumingin lang sila sakin at dumiretso naman ako sa kwarto. Busog na busog kasi ako sa pagkaing niluto ni Papa. Haha! Hindi kasi marunong magluto si Mama.
Sinarado ko ang pinto. At dumiretso sa balcony. Kahit na katabi namin tong building ng apartment, nakakalanghap parin ng hangin. 1 linggo na ang nakakalipas. At after 2 weeks, summer na. Then 2nd year na ako. ???
Napatingin ako sa apartment ni Tin. Ganon parin.. madilim parin.
"Ah!?" pumasok ako sa loob at kinuha ang camera ko. Pinicturan ko yung apartment ni Tin. Ewan ko ba..
"Hmm.. ang ganda talaga ng building na to.
...
??? Ang picture na'to?" tinitigan ko ng mabuti at tumingin ako sa langit. Madilim na.
:) Ang liit ng space para makita mo ang kabuuan ng kalangitan. Pero...
may isa paring bituin na nakunan ng camera ko.