"ANO!!! Iniwan ka na lang ni Tin ng walang iniiwan kahit na anong note!!! :o " ang kulit naman nitong si Derik >:(
"Alam ko na talaga sa simula pa lang ay babalik sya sa Canada. Yun nga ang dapat nyang sasabihin sayo, kaso kasama mo pala ang rumored girlfriend mo >:(." bakas sa mukha ni Karyl ang pagkairita pero umiwas naman sya.
"Akala ko.. dirito na sya. Na hindi na nya tayo iiwan." agad naman akong tumayo habang kinukuha ang gamit ko.
"Saan ka pupunta?" patuloy lang ako sa paglalakad.
"May klase pa ako diba." pero ang totoo. Kung hindi lang siguro sila dumating, baka nagmumukmok lang ako sa sulok ng kwarto ko.
Kahapon lang, natititigan ko pa sya, nahahawakan ang mga kamay. Katabi ko nga lang sya sa kama. Gf ko lang sya kahapon e. Ang dami pa lang nangyari. Hindi ko naisip.. na siguro yun na pala ang huli kaya hinahayaan nya lang ako. >:(
*plak*
Sa sobrang inis, sinipa ko ang pader na pinakamalapit sakin. Napaub-ob ako sa pader na yun. Kulang na lang, ibuhos ko lahat ng sakit na nararamdaman ko.
Bakit.. BAKIT MADALI LANG PARA SA KANYA ANG MANG-IWAN!?
Ngayon pa lang nga.. bumabalik na lahat ng alaala ko sa kanya. Ayokong maging alaala sya. Gusto ko nandito sya. GUSTO KO SYANG MAKASAMA!
Argh! :'(
"Wow! Ang ganda talaga nya dito no?" uminom ako ng drinks habang inoobserbahan ang buong campus.
"Bagong damit!? Wow! Bibili ako nito. Ang gaganda talaga ng mga damit na isinusoot nya. :D "
"Babe!"
"Oh Shin!?" napatigil ako sa pag-inom ng makita ang dalwang taong magkaakbayan na 5 metro ang layo sakin. Tss!
"Pasensya ka na. So saan tayo?" tumayo ako. At nilapitan sila.
"Gene Mikael?" napatingin din yung gf nya sakin. Na animo'y nakakita ng multo.
"Oi Shin? Gf mo!?" maganda sya. Pero di hamak na mas maganda si Tin.
"Jhenny, hintayin mo na lang ako sa classroom." agad namang sumunod yung gf. Ramdam ko pa na lumingon sya sakin, hindi siguro makapaniwala na lalapitan ko sila.
Tss. Oo nga naman. Si Gene Mikael, Shaoran, lalapit? At tatanungin ang isang tulad nya? Eh ang suplado ko nga daw e. Ang ilap pa sa mga kababaehan. Masama ang ugali. At akala mo kung sinong !@#$! Argh! Mga tao! Akala nila hindi ko alam ang mga iniisip nila. >:(
"1 linggo pa lang ah?" tiningnan ko si Shin ng nakakaloko.
"Kahapon ko lang sya nakilala-"
"Hinahabol habol mo si Tin at kinukulit mong pakasalan ka na lang."
"Gusto ko si Jhenny."
"Kailan!? Haha! Panakip-butas!?" bigla nyang nigrab ang damit ko.
"Bakit ko pagsisiksikan ang sarili ko kung hindi naman sya handang buksan ang puso nya para sa ibang tao!" bigla akong nanlambot. Binitawan nya ako. "Gusto kong makakilala ng ibang tao. Gusto kong magseryoso. It's been so many years, naghintay ako na sya mismo ang magsabing totohanin na lang namin ang kontrata. I don't need a f*ckn contract. I like Kirstein since then. Alam ko nasaktan ko sya kasi nagpakaas-if akong walang pakealam. Pero hinihintay ko lang naman sya. But Tito made a choice. Nagpapakabayolente na si Tin. She changed! A LOT! Hindi na sya yung prinsesang kilala ko. At kung pwede.. dito na lang sya.
Dito sa tabi ko." ayokong makinig.
"Pero ang sabi nya, tumigil na daw ako.. wala naman daw akong hihintayin." ako naman ngayon ang naggrab sa damit nya. >:(
"Eh ang duwag mo pala e. Hindi mo sya kayang hintayin! E ano kung di ka nya gusto ngayon... pwede namang--" pumasok sa isip ko ang mga sinabi ko. Tinulak nya ako. :-\
"Kahit ikaw, nabago nya. Nagbago ka. Hindi ikaw ang Shaoran na palagi na lang na walang pakealam sa lahat ng mga taong nakapaligid sayo. Ngayon.. ang yabang mo na.
Pwede ba.. kahit ikaw.. wala ka ring kahulugan para kay Kirstein." sinagi nya ako. At umalis sya. ...
Parang akong tuod. Argh! Hmm.. :'( Totoo ba! Tin! Wala lang din ba ako sayo! 'Bakit ko pagsisiksikan ang sarili ko kung hindi naman sya handang buksan ang puso nya para sa ibang tao!' Eh ano yung kahapon! Para sa kanya ba.. Wala lang din yun. :-\
Calling..
Quote
Hello Shaoran? Nasaan ka nga pala? Oonga pala. May pictorial ako ngayon.. kaya hindi kita... matutulungan sa problema mo! So! bye bye!
Toot.. Toot..
Hindi ko na nagawang replayan pa si Miss CC. Hindi dahil sa galit ako. Wala lang talaga ako sa mood. Atsaka.. pupuntahan ko ngayon si Derik sa Bar na tinutukoy nya. Ewan ko ba kung anong balak ng lalaking yun ???
Pagkababa ko, dinig na dinig ko na agad ang mga hiyawan ng mga tao. May mga couple din. Binaba ko pa ang cap ko. Baka may makakilala sakin dito kaya medyo tinatago ko ang sarili ko.
Pagpasok ko sa loob. Ang INGAY. Amoy alak. Tss.. pero.. ::) nakakagaan sa pakiramdam ang ganitong atmosphere. Parang ang makikita mo lang sa paligid ay puro ingay. Hindi tahimik na kailangan mong maalala ang mga problema mo.
"Ah?"
"Sorry!" pasigaw nyang sabi pero mas malakas parin ang tugtog ng musiko. "Hey are you fine with that?!" agad naman akong naglakad palayo.
Nung mapansin ko naman, na nabasa pala ako. Nasagi ako at nabuhusan ng alak. Putik! Patay ako nito! >:( Nasaan na ba yung Derik na yun?
Ring.. Ring.. Ring..
Sinagot ko agad.
"Hello? Nasaan ka?" patuloy naman sa pagsagot si Derik habang hinahanap ko yung pwestong tinutukoy nya..
"Yung Gene Mikael Cullen?" ang ingay nga, pero... ???
"Hindi ko alam kung anong kaugnayan nya kay Shin. Pero sa tingin nyo, dahil sa tomboy na Allen na yun kaya sila may connection?" binaba ko ang kamay ko. At nakinig dun sa tatlong babaeng nag-uusap.
"Haha! Yung mayabang na Allen na yun. Akala mo kung sino kasi anak mayaman! Hmf!"
"Kung titingnan, parang normal na babae lang sya. Pero b!tch pala! Ang landi nya.."
"HAHAHAHAH!!!" hindi ko napigilan ang sarili ko at...
"AAaaaaaHHHHHHHH!!!"