..pakakasalan mo ba ako, Tin?" nagtitigan kami. Tiningnan nya ako ng malalim. Blanko ang mga tingin nya. Sa mga tingin na yun, parang unti unti kong nararamdaman na wala talaga sigurong pag-asa :-\
"Sandali, 17 ka lang e. Naiisip mo na agad ang mga ganyang bagay! Pwede ba..
mas matanda ako sayo no." :o napatingin ako sa kanya pero sa dagat parin sya nakatingin. ??? Seryoso ba sya sa sinabi nya sakin.
"Ilan taon ka na ba!?"
"18.!" tumawa sya. :) Namiss ko yung tawa nyang walang kapoise poise.
Lahat na ata ng ayaw ko sa kanya dati, gusto ko na ngayon.
"Adult abuse pala ako! ::) Kaya makinig ka sa mas nakakabata sayo. Dapat.. mahalin mo rin ako." mahina lang yung sinabi ko pero bigla naman syang natawa. ??? Narinig nya kaya :-[
Bigla naman nyang hinawakan ang ulo ko, akala ko babatukan nya ako ???
"Miss ko na si Tito, ang kwarto mo, ang plays station, ang ramen, ang fried rice and pork, at ang matulog sa kama mo."
thump.thump.thump.thump.
*BOOGSH* :-[ :-[
Nagtaklob ako ng mukha. At umiwas ng tingin sa kanya. Ganon din sya, sa iba sya tumitingin. Pero nagnakaw tingin parin ako sa kanya. Hindi nya pansin ang pamumula ko. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Nung mga oras na yun... parang gusto ko syang halikan- :o
"Ano!?" nakataas ang kilay nya.
"Uhm.. Ah-eh Tin?.." papayag kaya sya ::) thump.thump. Ang lakas ng tibok ng puso ko. Nakakahiya :-[
" ??? "
"..kanina lang.. naramdaman ko na..." sumulyap ako sa kanya. At nagtatakang look ang expression ng mukha nya. Mas lalo lang akong kinakabahan e :-[
"Kung pwede sanang halikan kita... AHEHM! AHEHM!!" nagtaklob ako ng bibig.
Silence! :o LAGOT! Patay na! Sisipain na nya ako! Sigurado, pinakukulo ko na ang dugo nya! ARGH! Ano ba naman kasi yung naiisip ko. Nagiging pervert na ako. :-[
??? Tumingon ako sa kanya.
"Pagginawa ko yun.. ikaw ang magiging first kiss ko." nakangiti sya.
thump.thump.thump.thump.thump.
Kinagat ko ang labi ko. Mukhang sasabog na talaga ako sa sobrang init.
"ta-ttttt-Tara na sa bahay!" tumawa si Tin. ARGH! Ang bading ko! >:(
Nagluto naman agad ako pagdating sa bahay. Si Tin, dumiretso sa playstation at pinanggigilan ang joystick. Parang bata na ngayon lang nakakakita ng playstation. Tapos tumatawa pa sya. ::) Sumisigaw ng 'Woah' at 'Yahoo'. Hehe! Ang cute nya pala kahit ang wapoise nya. ::)
"Kakain na!?" agad syang tumayo. Muntik pa nga syang madapa dahil sa nakaharang na unan.
Napatayo naman agad ako. Pero namanage nya agad ang sarili nya sa pagtayo. Nakangiti pa nga sya e. Halatang sabik sa pagkain. Fav. kasi nya. Ang weird no. :D
"Wow! Namiss ko to!"
"Mas madaming mas masarap dito ah. Sigurado yan.. prinsesa ka e." ngumunguya pa sya nung nagsalita naman agad sya.
"Basta! Mas gusto ko to! Dun kasi.. argh! Ang hirap kumain!" ::) mas gumanda si Tin dahil sa maikli nyang buhok. Hindi na sya nagmumukhang tomboy.
"Uhm Tin, gusto ko nga palang itanong. Ano nga pala yung plano mo tungkol samin ni Selina?" napatigil sya sa pagkain. Tiningnan nya ako ng ganito ??? Tapos .. TUMAWA NG MALAKAS ???
Kumain uli sya, "Wala! Di rin naman ako nagtagumpay e!
Malay ko bang.. makokonsensya ka pala sa pagkawala ko. Hindi mo pa pinagpatuloy yung.." sumubo sya ng sumubo. Hindi ko napansin na sinadyang putulin yung sasabihin nya.
Pero.. parang alam ko na kung anong gusto nyang sabihin. Haha! Gusto kong makitang naiilang si Tin! :D
"Hindi mo ineexpect na maiinlove ako sayo no! Kasi hindi ko pinagpatuloy yung nararamdaman ko kay Selina. Tin! Hindi ko naman sinasadya yun. Kusa ko na lang naramdaman yun--"
*WAPAK*
'ouch ???
Napahawak ako sa ulo kong hinampas nya. Hmm.. ang galing talaga nyang manakit no. Ang sakit eh :)
"Ano yan! Argh! Bading ka talaga!" tumungo sya at kumain na lamang.
Hahahah! Akala naman nya hindi ko napansin ang pamumula nya.
"Tin oh! Iyo na lang yung akin." agad naman nyang kinuha.
"HIHI! Thank you!" :D nakatitig lang ako sa kanya. Napalitan ng pagkunot ng noo ang ngiti nya nung mapansing nakatitig lang ako sa kanya. ::)
"Ikaw huh! Isa pa at makakatikim ka na talaga sakin ng suntok! >:( " haha! Ang cute cute talaga ni Tin! 8)
"Sige nga.. subukan mo Kirstein! Gusto ko rin e. Namimiss ko na." naniningkit na yung mata nya sa galit.
Kinabahan naman ako, kasi mukhang galit na talaga sya.
"May kukunin lang pala ako." patayo pa lang ako nang bigla nyang higitin ang damit ko. Kaya agad naman akong tumakbo.
"HOY SUSUNTUKIN PA KITA! WAG KANG TUMAKBO!" takbo ako ng takbo. Paikot ikot lang kami.
"Wag na! Masakit na nga ang ulo ko sa mga hampas mo e!" bigla naman ako nadapa.
Nasubsob ako sa sahig at agad na kumapit sa kama. Mamaya pa't dinag-anan nya ako. Pareho kaming nasa kama. Sya nasa ibabaw ko.
"Ikaw talaga! Bakit ka nagbago! Ang yabang mo na huh!" ginugulo nya ang buhok ko. Tawa naman ako ng tawa.
tok.tok.tok.
"Li, anak, okay lang ba kayo?" napatigil kaming pareho. Umalis din sya sa likod ko at nahiga sa kama.
"W-wala po!" patingin tingin ako kay Tin. Nakapikit kasi sya.
Nung sumagot naman si Papa at umalis na sya. Agad din naman akong nahiga sa kama. Hinawakan ko ang kamay ni Tin. Tumingin sya sakin. Nakakunot na naman ang noo.
"Tin, this time lang oh.
Pwede bang maging tunay kitang gf." tumawa naman sya ???
Tapos.. :o thump.thump. Naramdaman ko na lang na hinahawakan na din nya ang kamay ko. Tumingin ako sa kanya at tulog na sya :)
Pagkatapos ng gabing yun.. nawala na lang ng parang bula si Tin.