Ang lakas ng ulan. Basang basa na ako. Nararamdaman ko narin ang lamig. Giniginaw na ako. Pero ayaw paring gumalaw ng katawan ko. Ayaw kong gumalaw ..
"Li?.."
"Minahal kita Tin. Ayokong mawala ka sa tabi ko. Gusto ko lagi ka lang dyan.
Hindi mo ba yun naramdaman nung magkasama pa tayo? Hindi mo man lang ba ako namiss? Hindi ba ako importante sayo?" naramdaman kong papalapit sya sakin.
"Tumayo ka na dyan- para ka namang bata e--" pero bago pa man sya tuluyan na makalapit sakin.
May narinig ako dalwang sasakyan na paparating at tumigil sa harap namin. ??? Napatingin na tuloy ako. Napalingon na din si Tin. Dalwang lalaking nakaitim ang lumabas sa unang magarang sasakyan na may hawak na payong. At sa pangalwang sasakyan naman ay may lumabas ding isang matandang lalaki na nakapayong at pinagbuksan ng pinto ang isang lalaki na lumabas din.
SINO SILA??? ???
Lumapit yung dalwang nakaitim na lalaki kay Tin at pinayungan sya. Pinayungan din naman nila ako. ??? Anong kaugnayan ng mga taong to kay Tin.
"Kirstein." nagsalita ng pormal yung lalaki na mukhang amo ng mga nakaitim na lalaking to. "Get inside the car." Sino ba talaga ang mga taong to? ???
Hindi umimik si Tin. At nagkatinginan lang sila ng lalaking mukhang 35 something lang. Mas matanda yung may hawak ng payong. Imposible namang papa nya ang matandang yun. O kuya naman nya ang amo ng mga lalaking nakaitim na'to.
"Miss Kirstein, pumasok na po tayo sa loob. Masyado ng lumalakas ang ulan. At gabi narin po. Dumating nga rin po pala si madam." nagsalita yung matanda. At seryoso parin yung lalaking katitigan ni Tin.
Sa sobrang bugnot ata sa pagiging tahimik ni Tin. Binuksan na nung lalaki ang pinto. Papasok na yata. Nang-- :o
"KIRSTEIN PHENOLOPY!!!" nagulat ako nang matagpuan ang sarili ko at si Tin na tumakbo palayo. Tumigil lang sya nung marinig na isinigaw ang pangalan nya nung lalaki. Agad namang lumapit yung dalwang nakaitim na lalaki samin ni Tin para payungan kami.
Hawak hawak ni Tin ang kamay ko. Oo .. bigla na lang syang lumapit sakin at hinigit ang kamay ko. Ako ang pinili nya. ??? :-[
"What the heck do you think you're doing!?" hindi nya hinarap yung lalaki. Pero may sinabi sya..
"Dad.." :o "Ngayon lang oh.. Hayaan ninyo munang gawin ko ang mga bagay na gusto kong gawin. This time, wag nyo naman akong sakalin. Pagod na akong tumakas.. kaya pwede ba. Let me!?" tiningnan nung lalaki .. este nung daddy pala ni Tin, si Tin na nakatalikod. Tapos sakin.
Ih! Nakakatakot ang mga tingin na yun. :o Pero .. agad namang pumasok yung daddy ni Tin sa loob ng kotse ng wala ng sinabi. Nagbow naman yung matanda. At nginitian ako. Gaya nung dalwang lalaking nakaitim. Pumasok na din yung matanda sa loob ng kotse at kumaripas ng takbo ang kotse.
Naglalakad na ngayon kami ni Tin. Hindi na nya hawak ang kamay ko. Mahina na ang ulan. Siguro mga ilang minutos pa e titila na'to.
Tumigil naman si Tin. Sa Isang tulay na pala kami naglalakad. Kitang kita mo dito ang buong syudad. Ang daming ilaw. Ang liwanag. Ang ganda ng dagat. Ang ganda ng view. :D Wala ring mga sasakyang dumadaan sa kalyeng to. Kami lang ni Tin. ::)
"Tin?"
"8 years ago before the accident. Nakakahinayang man. Pero .. Fated narin siguro." hindi ko alam kung tungkol saan ang ibig nyang sabihin. Pero makikinig ako. "My mother died because of that accident. Nasa England kami nun. My mother and I was in the cab. Trying to be a normal like others." ah.. royal blood nga pala sya.
"Namasyal kami. Without even noticing, that we are in the Royal Family. Pero .. isang motor ang sumagasa samin. My mom hugged me tightly, para mas maramdaman nya yung sakit. It's so blank. Wala akong makita. Ang dilim. Sobrang dilim.." bigla kong naalala nung nasa vacation house nila kami. So.. kaya pala nagkakaganon sya. Natrauma sya sa madilim, dahil wala syang makita. At ang naaalala pa nya ay ang tungkol sa aksidenteng yun.
Kaya rin pala.. ayaw nyang sumasakay ng motor. And she preffered to ride on the car. :-\
"Pagkagising ko.. nalaman ko, nasa hospital na pala ako. Nasa private room. At buong araw na pala akong natutulog. Nakita ko si Papa papasok ng room ko. With a serious look. Natakot ako. Naalala ko ang nangyari. Ang unang binigkas ng bibig ko ay ang pangalan ng aking Ina. But it's too late. She already died, 24 hours ago. Yung yung oras na natutulog lang ako.
Ang tanga ko. Mas inuna ko ang takot. Takot na takot ako.
After that. Pinaalis kami sa England. Galit si Lolo. Pinabayaan ko kasi ang anak nya. Namatay din si Lolo pagkatapos. Nabalewala ang kontrata kong pagpapakasal kay Shin.
Ang daming nangyari. Kaya siguro palagi kong gustong tumakas. Pero tapos na yun.. ngayong kilala mo na ako. May nabago ba? Shaoran, do you still believe in me? Do you still believe in your feelings?" tiningnan nya ako mata sa mata.
Ngumiti lang ako. Sinubukang obserbahan ang kapaligiran.
"Tin.. ang ganda ng view no." tiningnan ko sya. Nalungkot ang mukha nya at umiwas sya ng tingin.
Wala kaming imik sa isa't-isa. Nang bigla na lang lumabas sa bibig ko ang mga katagang to...
"I have no rings. Therefore, I'm not prepared. I can't promise you anything, except for this one thing..
Kirstein Phenelopy Allen,
Will you marry me?"