1 photo a-2.jpg 6 photo f.png 7 photo g.jpg 2 photo b-2.jpg 3 photo c-2.jpg 4 photo d.jpg 5 photo e.jpg  photo h-1.jpg

NAVIGATION

Chapter 30

"Huy. Tinatawag ka ni Mrs. Villador. Hindi ka daw nya macontact." tumingin ako sa paligid. "Mabuti na lang at tama ang hinala kong dito lang pala kita makikita."

Tiningnan ko naman sya. Umiinom lang sya ng drinks. Hindi man lang ako nilingon. Walang imik. Ang totoo wala din ako sa mood, pero dahil responsable ko sya. Kailangan gawin ko yung mga makakatulong sa kanya. And no. 1 is her career. Pero wala man lang syang narinig. >:(

Agad kong inagaw yung drinks nya at hinigit yung kamay nya. Tapos inagawan sya ng pwesto. Ngayon sya naman ang nakatayo at nakatingin sakin.

"Ano ba!? Umalis ka nga dyan. Pwesto ko yan!" sinubukan nyang hawakan ang kamay ko pero hindi nya tinuloy. Hindi pa sya makatingin ng diretso sakin. Tapos may galit at lungkot pa ang mga mata nya. ???

"..."

"Bakit ba gustong gusto mo ang babaeng yun?" nakaside view sya habang tinatanong to. ??? Si Tin ang tinutukoy nya diba?

"Alam mo may similarities kayo. Pareho yung way kung paano nyo ako tratuhin." I smirk. Unti unti naman syang tumingin sakin. Nagbablush sya ??? Umiwas agad sya ng tingin.

"So totoo pala ang sinasabi mo, nakikita mo sya sakin? Tss. Akala ko pa naman may gusto ka sakin. " bigla akong natawa. Tapos hinampas nya ako sa ulo. Haha! Ang sakit nun ah!

Pero natatawa parin ako.


"Iniwan ka nya noon?" napatigil na lang ako nung tinanong nya yan. :-\ "Sa gwapo mong yan, sa mga kagaya ko dapat ka nababagay!" tiningnan ko sya. "Uh-.. I mean! Yung mga girly na gaya ko! Yung magaganda at presentado lagi ang sarili kahit hindi na gumagawa ng effort. Kasi.. ang tomboy naman nun e. Ang jologs. Wearing cap inside the campus. A cheap kind of cap."


"Shut up." mahinahon kong sabi.

"Tapos.. ang sungit sungit. Sya na nga ang hinahabol at sinusuyo. Sya pa tong may ganang dedmahin ang kagaya mong SIKAT AT GWAPO! Aba! Wala syang karapatan noh! May paalis alis pa sya ng bansa! Sino ba sya..--


SHUT UP!!!" nakatayo na ako. Galit. >:(


"Sino sya? She's the one I love. Narealize ko yun, nung iwan nya ako. Wala syang kahit na anong special na pagtingin sakin. Wala syang nagawang maganda SIGURO sakin." natigil ako sa pagsasalita ng makitang maluha luha na si Miss CC. Pero umiwas uli sya.

"Oo tama ka ng sinabi sa kanya. Pero alam mo kung ano,.
hindi ko naman kasi hinihinging magbago sya. At maging isa syang perpekto. Maybe she's not that pretty compare to you. You're a model. At ang isang tomboy na gaya nya. Wala.. walang panama sayo. Pero maganda sya. She can't compare to anyone. Hindi mo pa kasi sya kilala. Maganda sya. She is the most perfect girl I've ever met.


At ang mahalaga.. magawa rin nya akong mahalin. Yun lang naman eh. Gusto kong maging akin sya." hindi parin makatingin si Miss CC sakin. Mali rin naman kasi ako. Wala akong karapatang sabihin to sakanya. Tama? :-\

"I'm sorry..-" sinubukan kong ipat ang ulo nya pero..

"Hindi ka sa kanya nababagay. Alam mo kung kanino ka nababagay?" and finally she looks at me. Seryosong tingin.




" Sa isang kagaya ko." hininaan nya yung huling word.

"Ano--"


"Tabi nga dyan. Pwesto ko to. Kaya umalis ka na." naagaw nya agad yung pwestong inaagaw ko sa kanya.


Mukhang kahit itanong ko pa kung ano ba talaga yung sinabi nya .. wala rin syang balak ulitin. ???



Papauwi na ako sa bahay. Malayo pa lang ng makita ko si Tin sa harap ng aming bahay. Nagbow sya. At tuwang tuwa si Papa sa kanya. :o Anong nangyari!? Hinahanap ba nya ako!? Nagpaalam na sya. Ganon din si Papa.

Tumakbo naman ako.

"Pa!?" hingal na hingal ako. "si s-Si Tin po yun diba!?" *pant* Hindi naman kaya.

"Buti dumating ka pa. Napasalamat lang sya. Hindi ko nga alam kung bakit biglaan.." thump.thump.thump. Kinabahan ako. Hindi naman kaya..





TAMA ANG HINALA KO. :-\

Agad akong humakbang patalikod. At tumakbo. Takbo. Takbo. Kailangan kong mahabol si Tin! :'( Hindi maaaring mapunta na lang sa wala to. Ang tagal ko syang hinintay. Ang tagal kong hiniling na makita at mahawakan sya. Marinig yung boses nya. Makausap sya. Ang tagal kong NAGHINTAY!

Dito ka lang Tin! Hindi naman ngayong araw na to diba!? :'( Hindi ko pa nga nasasabi ng buong buo ang tungkol sa nararamdaman ko. Tapos..






"TINNNN!!!~" wag mo na akong iwan oh! :'(

"Hm!" niyakap ko sya sa likod. Bumuhos naman ang malakas na ulan.



"li-Li???" niyakap ko sya ng mas mahigpit. Umiiyak na ako. :'( Pero di rin naman nya mahahalata yun. Umuulan e.

"Li!.. ano ba nababasa na tayo." sinubukan nyang tanggalin yung kamay ko. Pero hinigpitan ko pa ang pagkakayakap sa kanya.


Ngayon lang.. NGAYON KO LANG MULI NARAMDAMAN NA KASAMA KO TALAGA SYA. :'(


"!@#$ nasasakal ako!" bigla nya akong inatake sa likod. Parang yung sa mga taekwondo. Syempre talo ako sa kanya e. Kaya napaupo ako.

Pero mas masakit parin yung nararamdaman ko ngayon.






Galit si Tin. Magwowalk out sana sya--












"Wag oh. Please.. dito ka na lang." umub-ob ako sa braso kong nakapatong sa tuhod ko. :'( :'(
HTML Comment Box is loading comments...