At kaklase ko pa ang babaeng to. Kung minamalas ka nga oh.
:o >:(
"Dito ka rin pala pumapasok?"
Ang lapit niya sa mukha ko. Napakabango niya at napakaaliwalas ng mukha. Kaso di tuwa ang nararamdaman ko.. inis pa rin.
Lumayo siya nung feeling niyang ang sama ng tingin ko. At di na ako natutuwa. Umupo na siya sa 2nd row na medyo malapit sakin. Tinitigan ko siya mula paa hanggang ulo. Parang kung titingnan mo.. parang ordinaryo lang itsura niya. Hindi naman siya nakaponytail pero nakaipit yung buhok niya sa may dulo. Ordinaryo lang yung damit niya, hindi fit o panghiphop na sobra namang luwag. Ordinaryong t-shirt lang. Tapos nakapedal siya na palobo, hindi fit. At nakarobber shoes. Simple lang talaga. Ibang iba nung makita ko siya sa kwarto ko. Parang model lang na nakatulog somewhere. At ngayon, parang boyish lang na may itsura.
Nagring na ang bell. Nagstart na yung class. Naglelecture si Prof about sa mga pinag-aralan namin nung hs tungkol sa subject niya. Madami palang pinagkaiba ang hs at college. Hindi ko naman maiwasang hindi mapansin ang babaeng yun. Tinakluban niya ang sarili niya ng libro at tuluyan na siyang nakatulog. Ang cute niya kaso napaisip na naman ako. Ganan ba kumilos ang isang babae.. unang araw sa unang klase natutulog. >:(
Nagkameron ng pagpapakilala sa isa't-isa. Introduction.. napatingin muli ako dun sa babae.. tulog parin siya. Baliw talaga siya. Paano pagnamura siya ni Prof.
Nakatapos ng dalwang estudyante na nakapag-intro na ng sarili nila. Mas lalo akong kinakabahan para sa kanya. Sandali! Bakit ba ako nag-aalala sa kaniya! >:(
Hindi ko na lang siya tiningnan.. pero isa na lang at siya na.. >:(
"Next!"
Napatingin ako. Siya na.. :o
"Kistein Phenelopy Allen, Nice to meet you all! Hehe.." para siyang bangag.
Inayos ko ang gamit ko. Paalis na ako ng nakita ko ang gamit nung babaeng yun sa table niya. Kirstein Phenelopy Allen pala ang pangalan niya. Napatingin ako sa paligid ko, parang walang may interest na magbalik nun sa kanya.
Kinuha ko. Agad naman akong lumabas. Hinanap ko agad siya. At madali ko naman siyang nahanap dahil sa nakakaibang buhok niya.
"Uy!"
Hinanap niya yung boses na yun. Jologs talaga. Humarap siya sakin. Ang astig. Nasa pocket ang kamay. Jologs parin.
"Akala ko ba galit ka sakin?"
Nilagay ko ang gamit niya sa ulo niya. Kinuha naman niya yun at umalis na ako.
Hindi ko alam sumunod pala siya.
"Galit ka ba dahil nasipa kita sa mukha?"
Hindi ko siya sinagot.
"Ang daming nakatingin sayo. Bakit di mo sila i-hi."
Hindi ko parin siya nilingon.
"Aray!?" ??? >:(
Bigla ba naman akong batukan. Nakakaasar ang babaeng to. >:(
"Ahahahah.." maganda na sana siyang tumawa kaso.. nakakaturn-off talaga siyang gumalaw.
Napahinga ako ng malalim. Pagharap ko..
"Naku!-"
Hindi ko siya tinulungan kunin ang gamit niya. May bigla namang nagbato na libro sa ulo ko.
"A-ray,?" tiningnan ko siya ng masama. Alam kong siya yun.
"Ungentleman ka talaga! Miss ayos ka lang!?" nilimot ko yung libro niya at nilagay sa ulo niya.
"Ganan na talaga si Shaoran." napatigil ako. Ang boses na yun. :-[
"Shao- Anu ShoMAI?!" nakakaasar talaga.
Napatawa ng konti si Selina. Napatingin ako sa kaniya. Buti naman at nakita ko na siya. Hindi parin siya nagbabago. Ang sipag niya parin.
"Ang tagal narin. Musta ka na!" sinuntok niya ako ng mahina sa dibdib. Medyo nagbablush ata ako. Oo. Crush ko si Selina Valdez nung hs pa ako.
"A.. yos lang."
Kita ko ang ginawa nung Kirstein na yun. Natatawa siyang ewan. Anung problema. ???
"Sige alis na ako."
Nakaalis na siya. Bakit ganon. Dapat ang babaeng to na lang ang umalis eh.
"Akala mo di ko pansin," ??? Anung sinabi niya.
"Uy, Shaoran yun. Hindi Shomai! Pero ok lang hindi ako interesadong tawagin mo ko sa pangalan ko." inisnab ko ang tingin niya.
"Aalis narin ako!" nagsimula na siyang umalis. Pero sumulyap pa siya bago tumakbo.
"Balik ako sainyo huh!"
ANU DAW!? Feeling Welcome talaga ang babaeng yun. Punta samin?
Napalingon muli ako.. SAMIN!?
"Hindi- pwe.. de.." anu ng mangyayari!