"Malaki pala ang pagkagusto sayo ng lalaking yun. Stalker." hikbi parin sya ng hikbi.
"Mamatay na sya mamatay na sya! *sob*" dahan dahan kong nilagyan muli ng bandage ang kamay ko. Hindi na ako makapagconcentrate sa paglalagay ng bandage sa kamay ko.
Talaga pa lang may mga ganong tao. Akala mo ganito sila, pero ang totoo pala.. ganyan sila. Akala ko okay lang si Tin, pero hindi pala. Mas lalo ko lang nararamdaman ang mga mali kong panghuhusga kay Tin. Gusto kong maayos ang lahat.
Gusto kong yakapin si Tin. Gusto kong sabihin sa kanya lahat ng mga narealize ko simula ng dumating sya sa buhay ko.
"Eh ano naman kung malaman ng lahat ng tao kung ano ka noon. Mas mahalaga parin naman ang ngayon diba?" tama, mas mahalaga ngayon. Eh ano kung wala akong nagawa noon, mas mahalaga naman kung anong magagawa ko ngayon diba? "E ano kung makita ng mga taong yun yung mga maseselang larawan na yun. Ikaw parin yun. Hindi mo parin dapat ikahiya. Mas mahalaga.. nakilala ka naman nila. Nagpakatotoo ka lang sa pagkatao mo." e ano kung layuan ako ni Tin, basta.. malaman lang nya ang totoo. Gusto kong magpakatotoo sa kanya at sa sarili ko.
"Wag kang matakot, hindi ka naman nag-iisa e." hindi ko na iiwan pang muli si Tin. Hindi ko na hahayaang malayo sya sakin. Lalo pa't nandyan na sya.
"Salamat nga pala dahil niprotektahan mo ako kanina. First time na may lalaking nagtanggol sakin." tuluyan ko ng di nalagyan ng bandage ang kamay ko.
thump.thump.thump.thump. :-[
"Sana sya din, sana nagawa ko rin syang protektahan noon." nawala na ako sa sarili.
Hanggang ngayon sinisisi ko parin ang sarili ko dahil sa nangyaring yun. Kung siguro nakinig lang ako kay Karyl at naniwalang may kahinaan din si Tin. Edi sana, hindi nya ako iniiwasan. >:(
:o Nagulat ako nang maramdamang yinayakap nya ako sa likod. Tapos ramdam ko pa yung dibdib nya. Waaaaaah~ :o
AYOKO NITO!!!
"Sandali!!!" agad akong tumayo pero naout of balance ako. At sa di sinasadya. Nakasama sya sa pagbagsak ko.
*BLAG*
"ARAY!" sabay naming sabi.
Nasa ibabaw ko sya. At :o Sa pwesto naming ito.. nakikita ko yung... cleavage ng dibdib nya. :-[
Okay. Sige na galit na siguro kayo. Pero.. hindi ko naman pinagtataksilan si Tin nito. Sana nga sya na lang--
*BLAG*
nagulat kaming dalwa. Napatigil sya sa pagkakamot sa ulo nyang tumama sakin kanina nung bumagsak sya sakin. Nagkatinginan kami. Este di ko na sya tiningnan kasi... :o :o :o
"Karyl? Derik?" mas nagulat ako nang may babaeng nakacap, nakasalamin, at nasa pocket ang mga kamay na lumabas sa likod nilang dalwa.
:o Nandito sya.
"Sino sila?" si Tin.
"Insan?"
"Sabi ko naman sainyo e, hindi nya kailangang malaman." nauna syang umalis. Agad ko naman itinulak si Miss CC. Pero di ganon kalakas.
Nakaupo kami ngayon. "Karyl? Derik?"
"Akala ko, iba ka. Tara na Derik!"
"TIN!!!" agad naman akong tumayo.
:o
???
Pero hinawakan ni Miss CC ang kamay ko. Pinipigilan nya ako. :-\
"Kailangan ko syang sundan." malungkot kong sinabi sa kanya.
Alam kong kailangan din nya ng makakasama dahil nasasaktan pa sya. Pero wag ngayon.. wag nya akong papiliin. :-\
"Siya ba?" unti-unti nyang binitawan ang kamay ko.
"Mahal ko sya." mas lalo syang tumungo.
At umalis naman ako kaagad. Tinanong ko pa kay papa kung saan sila dumaan. At buti na lang alam ni Papa. Tumakbo naman ako kaagad.
Alam ko galit sila sakin. Pero, hindi ko na sasayangin ang sandaling to. Pumunta si Tin dahil may kailangan sya, dahil may sasabihin sya! Diba!?
"*pant* TINNNN!!" lumingon si Karyl at Derik pero hindi si Tin.
"I LOVE YOU!" maniwala kaya sya