1 photo a-2.jpg 6 photo f.png 7 photo g.jpg 2 photo b-2.jpg 3 photo c-2.jpg 4 photo d.jpg 5 photo e.jpg  photo h-1.jpg

NAVIGATION

Chapter 27

Lumapit ako sa taong malapit lamang sa table namin.

"Uhm miss, nakita mo ba yung babaeng nakaupo dito." tinuro ko yung table namin.

"Uh haha!" nagtaklob sya ng menu.

"Huy, nakita mo ba!?" nakatingin lang sya sakin habang nagtatanong sa kasama nya. Masama naman ang tingin sakin nung kasama nya.

Sa tingin ko bf.

"Ikaw pre?" titig parin yung babae sakin. Napalunok naman ako. Galit kasi yung lalaki.

Mabuti na lang at hindi nya ako dinedma. At tinuro nya na lumabas si Cc. Tumango na lang ako at agad na umalis. Hindi na ako nagpasalamat. Yung mga tingin kasi nung lalaki, parang sinasabi na ..'Tol, umalis ka na agad kung ayaw mong may magawa pa ako sayo'

Woah! Ang wild.


"CC!" hininaan ko lang yung tawag ko. Imposible namang iwan na lang nya ako. Hmm.. pero bakit kaya? ???

Nagtanong tanong ako sa mga taong madaanan ko. Nang malaman kong, pumunta lang pala sya sa pinakamalapit na public cr.

Naghintay naman ako sa labas. Sinubukan ko naman syang tawagan agad nung makapansin na akong pinagtitinginan na naman ako ng mga babae sa paligid. Nung sinagot nya, halatang hingal na hingal sya. Kumalma lang sya nung marealize na ako nga ang kausap.

Lumabas din naman sya. Halatana may iniiwasan sya. Tumingin tingin na rin ako sa paligid. May nakapansin na kayang sya ay celebrity.

Bigla nyang hinigit ang kamay ko. Halatang inis sya.

"Miss CC! Saan ba talaga tayo pupunta! Wuy.." iba na kasi yung lugar na dinadaanan namin. Madilim at parang ang weird naman at dito pa namin kailangan dumaan.

Napansin ko naman ang panginginig ng mga kamay nya.

Hinila nya ako kung saan. Parang.. nagtatago yata kami. Nakaupo kami. Hindi ko na magawang magtanong nung makitang nanginginig syang nakayakap sa mga tuhod nya. ??? Ano ba talagang nangyayari?

May narinig naman akong yabag ng mga paa. Mukhang may nakasunod samin. Mali! May sumusunod samin.

"Ah? Miss Courtney!?" sumilip ako. Isang matandang lalaki. May hawak syang camera. "Miss Courtney, yoohu.. wag na kayong magtago. Isang shot lang naman e" mukha masamang tao to. >:(
Sinubukan kong tumayo pero hinawakan nya ng mahigpit ang kamay ko.

"Wag.." mahina lang ang pagkakasabi nya nun. Pero halatang takot na takot sya.

Ngayon lang.. ngayon ko lang sya nakitang ganyan. E kadalasan, ang daldal daldal nya. Ang clumsy clumsy nya. Na parang kahit na anong gawin nya, wala syang kinatatakutan. ... Pero ngayon.. ngayon.. para syang tuta na takot na takot na makagat ng mas malaking aso sa kanya. Naaawa ako sa kanya. Gusto ko syang protektahan.

"Miss Courtney! Alam ko ang mga sikreto mo! Kaya sige na.. pagbigyan mo na akong picturan ka. Konti lang naman e. Mga 50 shots. Hehehe!" hindi ko na napigilan ang sarili ko at tumayo na ako. Nagulat si Miss CC sa ginawa ko.

"Wala sya dito kaya umalis ka na!!!" nagulat sya pero ngumiti lang ng parang demonyo.

"Oo tama! Gagamitin kita panlaban sa kanya." kunahanan nya ako ng mga pictures na parang walang naririnig.

"ITIGIL MO NA YAN!"

"Aray! Aray!" hingal na hingal si Miss CC na ibinato yung piraso ng kahoy dun sa lalaki. Nanginginig sya. Takot at galit ang namumuo sa kanyang mga mata.

"Wow! Hindi ka na natatakot sakin.. gusto mo na bang bumagsak ang career mo!?" halos matauhan si Miss CC. Parang nanghina sya at kahit anong oras ay bibigay na sya.

"Ano.. ano ka ngayon, di ka makasagot!?" ayokong nakikita syang ganyan.





*BLAGGGGGG*





*pant*


"sh-Shaoran?"

May umagos na dugo sa kanyang ilong. Hindi ako naawa. Gusto ko ngang basagin ang kanyang nakakairitang mukhang yun! >:(

"ba-bababa-Bakit mo ginawa yun!?" tumayo sya. "hi-hihihi-Hindi mo ba alam na maaari ko yang gamitin panlaban sainyo--" hindi ko na sya pinatapos sa sasabihin nya at muli hindi ko na napigilan ang sarili ko at sinuntok ko sya sa baba nya. Nakagat nya ang labi nya at tumama ang ulo nya sa pader. Dumugo ang ulo nya.


"Shaoran tama na!" niyakap ako ni Miss CC.

"HINDI KO ALAM KUNG ANO BA TALAGA ANG GINAWA NI MISS CC SAYO. PERO!!! WALA KANG KARAPATANG PAGSALITAAN SYA NG GANYAN!" *pant* hingal na hingal ako habang sinisigaw ang mga salitang yun.

"g-ga g-ga-gagaga-ganti ako! se-sa-Sainyo--!!" hinigit naman ni Miss CC ang kamay ko at tumakbo kaming pareho.



At sa bahay ko na kami dumiretso. Nakaupo sya sa kama ko, habang nakaupo naman ako sa sahig na katabi ng kama ko. Ginagamot ko yung kamay ko na halos mamaga maga sa kakasuntok sa matigas na mukha ng gagong yun. Argh! >:( Parang bato ang mukha nun ah! Aish~


"Bakit mo ako pinagtanggol?" hindi ko sya nilingon.

"Ikaw nga ang dapat kong tanungin e.
Anong atraso mo sa lokong yun." aray! Ang hapdi naman. Nagasgasan talaga ang kamay ko. Tsk.tsk. anong klaseng mukha yun! >:(

"May mga pictures ko, ang taong yun." napakibo lang ang mata ko pero di parin akong lumingon. Narinig kong kumibo sya. Mukhang malapit lang sya sakin.

"Eh modelo ka diba?" tinuloy kong muli ang paglalagay ng bandage sa kamay ko.

"Isa akong fhm model nun. Photographer ko sya."

"Aray!" medyo napahigpit ang paglalagay ko ng bandage. Kaya inulit ko muli.

"Mapagsamantalang photographer. Nung minsang kunan nya ako ng pictures, sinadya nyang kami lang dalwa sa building. Halos marape nya ako. Mabuti na lamang hindi ako kailanman pumayag ng naked ako. Nagsosoot parin ako ng mga panloob. Kaya madali lang tumakas sa kanya. Mabuti na lang.. nakita ako ni Mrs. Villador. Sya ang tumulong sakin." naririnig ko ang paghikbi nya. Naaawa ako. :-\

"Pumayag akong maging modelo nya dahil nangako syang pasisikatin nya ako. Gusto kong sumikat para matagpuan ko ang mga magulang ko. At ngayong nakatakas na ako sa kanya. At nakamtan ko na lahat ng mga gusto ko. Ginagamit naman nya yung mga pictures ko na halos mukhang hubo't hubad, para mapapayag nya ako kung saan. Binablock mail nya ako. Alam nyang masisira ang career ko kung malalaman ng mga tao na isa ako noong fhm model. Ang low kaya nun." hah! Nakakaloko talaga ang babaeng to.

"Hindi ko naman sya kinakausap. Tinatakbuhan ko lang sya. Palagi kasi nya akong kinukuhanan ng mga pictures. *sob* Baliw sya! Mamatay na sya!!!"
HTML Comment Box is loading comments...