tok.tok.tok.tok.
Ang lakas ng katok. Umagang umaga. Kailangan mang imulat ang mga mata ko. Gusto ko paring matulog. Mamayang 12 pa ang klase ko. Eh 7 pa lang ah. Yawn.
"Li, anak! May naghahanap sayo!" bumangon naman agad ako.
Napaisip muli ako.. kung si Tin yung naghahanap sakin. Sigurado hindi na nya ako hahanapin. Hindi na sya mag-aabalang ipagising pa ako kay Papa. Sigurado. Didiretso lang sya sa kwarto ko. :) Namimiss ko na yung mga ganon. Nasanay na siguro ako. :)
"Opo." napakamot pa ako ng buhok.
Bumaba ako ng kwarto at lumabas. Pagdating ko sa restaurant. Nakita ko si...
Sigh. Ano bang ginagawa ko dito sa limosine na'to. Sigh. Nakakawalang buhay naman.
"Ano ba nakikinig ka ba!?" hinampas nya ako sa may braso ko. Pero halata parin ang pagkaenjoy nya sa paglalaptop nya.
"Kanina ka pa salita ng salita. Sa tingin mo wala akong tainga para hindi ko marinig." sinamaan nya ako ng tingin.
"Aish! Magpasalamat ka at dahil sayo, mas dumami na yung natutuwang fans sakin. Hihi~ Hindi ka naman celebrity pero ang sikat sikat mo rin! :D" sya lang naman ang masaya e. Pero hindi din naman ako inis. Hmm.. wala lang talaga ako sa mood. :(
"Kailangan ko ba talagang sumama sayo?" tumango sya.
Dumungaw na lang muli ako sa labas. Magbilang ng mga taong humahanga sa sasakyang sinasakyang ko. Haha ang babaw no! Pero.. nakakaaliw talaga. Bagay sa mood ko.
"Hi Miss CC." lahat ng makita naming mga tao nagbabow sa kanya. Nagbow din naman sya.
Pero may nabago.
Naupo naman ako. Hinihintay ang pictorial na magsimula. Nagbibihis kasi si CC.
"Sya ang bf? Ang gwapo naman."
"Picturan din natin silang magkasama."
Nakikita ko yung mga babaeng sumusulyap sulyap sakin. Habang tumatawa. Parang.. kinikilig. Hangang hanga sila. Mamaya pa't lumabas na si CC. Bihis na sya. :) Napangiti naman ako kasi kinindatan nya ako. I mean, dahil maganda talaga sya.
Hindi ko akalaing nakakasama ko ang ganitong kasikat na modelo. E isa lang naman akong simpleng tao. ::) Ano kaya talagang iniisip ng ibang tao nakakaalam na kami? ???
1 shot.. 2 shot.. 10 shot. Ang dami. Halos 20 shot na. Bawat 5 shot iba namang agad na damit. Nakaka 1 oras pa lang pero 10 dress/clothes na ang nagagamit nya. At lahat ng damit ay talagang bagay sa kanya.
Nung mga 11:30 na, nagpalit naman sya ng uniform. Pero hindi pa pinapaalis yung make-up sa kanya.
Lumapit naman sya sakin.
"Papasok na tayo?" nagpapacute pa sya sakin. Tapos bigla nyang sinuntok ang tiyan ko. ??? "Para saan yun?" hehe. Mas masakit parin ang kay Tin. ::)
"Magpapapicture din tayo ng 5 shot na nakauniform."
Lumink naman sya sa braso ko.
"Dapat magmukha tayong tunay na couple." nanlaki ang mata ko.
"HINDI PWEDE!" sya naman ngayon ang nagulat. Ganito lang naman ??? At pagtingin ko sa paligid namin.. lahat pala ng tao dun nakatingin samin. Argh. Napilitan tuloy akong ngumiti.
"Miss CC. Tanda mo yung una tayong magkita. May iba akong gusto. At hanggang ngayon hindi pa kami magkaa.." hinila na lang nya ako kaagad.
"Picture lang naman e."
Argh. Wala akong nagawa kundi ang sundin sya. Bakit ba ganito.. simula ng dumating si Tin, mabilis na akong napapasunod ng ibang tao. Ang lakas ng influence ni Tin sakin.
Tapos.. hindi ko pa napapaliwanag kina Karyl at Derik ang tungkol samin ni Tin. Argh! Alam na nga ni Karyl yung feelings ko kay Tin e. Baka isipin pa nyang niloloko ko sya.
"Wow bagay talaga sila!" ngiting ngiting nagpaalam si CC sa mga katrabaho nya. Nakalink parin sya sa braso ko. Habang ako naman, ang lalim lalim ng iniisip.
"Magskip kaya tayo ng class!" nagulat ako sa sinabi nya.
"Huh!?" :o
"12:10 na, late na rin naman tayong makakapunta dun."
"Pero may sunod na klase pa naman."
"Uh! Madisguise ako! Punta tayong amusement park! :D" ano daw.. :-[
Pumunta nga kaming amusement park. Pinayagan naman sya ng manager nya kasi ako daw ang kasama. At ngayon, intindihin ko pa sya. :-\
Hindi naman ako naiinis. Pero gusto kong makita si Tin sa school. Dun ko lang naman sya nakikita. Pero pagnakikita ko si Miss CC na tuwang tuwa sa mga ginagawa nya. Parang nagkakamood din naman ako. Hindi naman sya boring kasama e. Parang nga syang batang ngayong lang nakalabas ng bahay. Kahit na hindi ako masyadong comfortable, dahil may mga tao paring napapatingin samin.
"Alam mo, napapansin ko talaga na maappeal ka sa mga babae. Halos lahat kasi ng ma babae dito, napapansin ka." ??? hindi ako umimik. Lahat ata ng mga taong nakakasama ko, nasabi na yang mga ganyang line.
Napatingin naman ako sa kanya. Bigla na lang syang natahimik. Nakatingin sya kung saan.
""Kumain na muna tayo." nginitian nya ako.
Pumunta kami sa pinakamalapit na cafe. Ang dami nyang inorder. Pero pagsusubo naman sya, tinatakpan nya yung mukha nya. Tapos bigla syang tatawa. Akala naman nya hindi ko napapansing may mali na sa ginagawa nya. Tapos lumilingon lingon pa sya sa paligid. Paglilingon naman ako, bigla nya akong kakausapin.
"MagcCr lang ako." bigla nyang hinigit ang kamay ko. Pagtingin ko sa kanya, parang takot na takot naman sya. ???
"Madali ka lang naman diba?" napataas ang isa kong kilay. Kung siguro hindi sya seryoso. Tatawa na talaga ako ng sobra ngayon.
"oo." nagpipigil akong tumawa pupunta sa cr.
Pero nung marealize kong may mali. :o Agad kong binalikan sa table si CC.
Pero pagbalik ko ..
wala na sya.