"Hmm.. okay din pala dito sa school nyo. Protektadong protektado ako." halatang natutuwa sya habang sinasabi nya yan at habang kumakaing ng ice cream.
"Sure ka bang dito ka papasok!?" tumingin sya sakin ng seryoso.
"D-I-T-O-N-G-A-K-A-S-I-A-K-O-P-A-P-A-S-O-K!!!" aray! >:(
"Bakit kailangan mo pang sumigaw!?" tumingin sya sa paligid.
"Ang daming nanonood satin sa labas. Tapos pinagbubulungan pa tayo. Hihi~ walang camera! Walang reporter! Walang media! Ang saya!" naubos na nya ang kinakain nya. Minsan, pagnapapatingin ako sa kanya. Hindi ko talaga makalimutang maalala si Tin. Parehas lang ang trato nila sakin. Ang kaibahan lang, si Tin.. yung gusto ko. Kahit ang babaeng to.. nanakit din physically.
Bigla naman nya akong hinigit.
"Gusto ko maglibot dito sa campus nyo." agad kong binawi ang kamay ko.
"Opo. Saan nyo ba gustong unang pumunta?" nabigla naman ako ng bigla nya akong akbayan.
"Sa Theater nyo!!!" halos malaglag ang panga ko. :o
Ang clumsy naman nya. Di ba nya naisip na madaming taong nakakakita sa kanya. Na baka sa ginagawa nyang to e maturn-off sa kanya ang mga to.
??? Pero.. hindi rin. Nandun parin ang mga ngiti ng mga taong nanonood sa kanya. Si Ms. Cc naman, ngiting ngiti ring tumitingin sa paligid ng campus namin. ... :) Minsan, gusto kong isipin na ang taong kasama ko, ay si Tin.
Haha. :)
"Tara na."
"Wow! Ang laki ng theater nyo! Hindi to Private school right. Hindi ko akalain ang isang Public university school ay may ganitong kagandang campus." naglalakad lakad sya. At bawat apak nya, may mga naoobserbahan sya sa paligid. Na kung titingnan mo naman ay siguradong mas maganda at mas may class kapag sa mga prestigious at private school.
Nagulat na lang ako ng makitang nasa stage na sya.
"Anong ginagawa mo dyan?!" narinig naman agad nya ako dahil sa echo.
"Gusto mo kantahan kita?" gamit nya ang microphone.
Di pa man ako nakakasagot. Bigla na lang sya umimik. Kumanta. At ang ganda ng boses nya.
You're the bravest of hearts, you're the strongest of souls
You're my light in the dark, you're the place I call home
You can say it's all right, but I know that you're breaking up inside
I see it in your eyes
Even you face the night afraid and alone
That's why I'll be there
"Wahahahaha!!! Wow! Ang daming stars!!! :D" takbo sya ng takbo. Tumigil naman ako sa isang pwesto.
Nagulat naman ako ng bigla syang nadapa. Agad akong lumapit.
"Ang clumsy mo kasi." ??? napatingin sya sakin. Namumula sya.
"Alam mong madadapa ako?" pagkasabi nya nun. Biglang tumibok ng mabilis ang aking puso.thump. Naalala ko kasi si Tin.
Kaya di ko naiwasang hindi tumawa. Umupo ako. Ganon din sya. Nakatingin lang sya sakin habang tumatawa ako.
"Haha. Naaalala ko talaga sya sayo." namumula talaga si Ms. Cc. I wonder why? Pero.. wala din ako pakealam. Mas lalo ko lang naaalala si Tin.
:o Bigla nya akong binatukan.
"*speechless*
"Akala mo ba maloloko mo ako! Common na saming mga artista yang mga dialogue mo." natulala ako. At napahawak sa ulo ko.
" ??? Masakit ba yung batok ko?"
"Tara na. Ihahatid na kita sa gate." tumayo naman ako. Sya naman naglahad ng kamay. Inabot ko naman para makatayo sya.
Nagtataka parin sya sa biglaang pananahimik ko. Hindi dahil nasaktan ako sa batok nya. Mas masakit pa nga yung suntok at sipa ni Tin e. Yun nga lang.. yung mga ganong sandali, HINDI KO NA YATA MAIBABALIK PA. :-\
"Goodmorning class." nakita ko si Tin na kakadating lang kasunod ni Mr. Castillo.
Umupo sya sa harap ko ng hindi man lang tumitingin sakin. Wala talaga syang pakealam.
Nagchecheck na naman si Sir ng libro. At gaya ng inaasahan ko, wala na namang dala si Tin. Bukod pa dun.. natutulog na naman sya. Tin naman e! Paano ka, pagnagalit si Sir sa inaasta mo!-
"Mr. Cullen?" nagulat ako.
"Po?" tumingin sya sakin. Sa desk ko-- Agad kong nilagay sa lap ni Tin ang libro ko.
"Sorry Sir." nagalit si Sir.
"Tumayo ka sa unahan." agad naman akong sumunod at pumunta sa unahan. Nakatayo lang ako.
"Anong nangyayari kay Shaoran."
"Aw. Gusto kong damayan sya. Hihi~ para makatabi ko sya sa pagtayo."
"Ang landi mo."
Nakita kong bumangon si Tin. Nasa dest nya lang ang libro ko. Hindi sya tumitingin sakin. Walang bahid ng pagtataka ang mukha nya. Parang ayaw pa nya. Pero.. ayoko namang pabayaan sya.
"Class dismissed."
Bumalik ako sa upuan ko. Nakita ko naman ang libro kong nilagay siguro ni Tin sa desk ko. Napangiti naman ako. :)
"Shaoran, wala ka bang libro. Pwede mong gamitin ang libro ko."
Dinedma ko naman sila at naglakad palabas.
"Hayy.. totoo ngang may gf na sya."
Hmm.. kahit papaano. Naniniwala na akong magbabalik ang dating Tin. Naniniwala akong, magkakalapit muli kami.
Habang naglalakad ako. Si Tin.. nakatingin sya sakin.