1 photo a-2.jpg 6 photo f.png 7 photo g.jpg 2 photo b-2.jpg 3 photo c-2.jpg 4 photo d.jpg 5 photo e.jpg  photo h-1.jpg

NAVIGATION

Chapter 23

dang.dung.deng.dung.

Nagsitayo na lahat. Ako naman habang nag-aayos ng gamit, maya't maya ang sulyap kay Tin. Bigla naman syang tumayo at mukhang paalis na. Kaya naman nagmadali ako at hinabol sya.

"Tin!" takbo ako ng takbo pero masyado syang mabilis maglakad. Madami kasing mga estudyante na kalalabas lang din.

"Tin! Tin!!!" at sa wakas, nahuli ko rin yung kamay nya.

Lumingon sya habang hingal na hingal parin ako. Blanko yung expression ng mukha nya.

"Pwede bang...mag-usap tayo." kinakabahan ako. Ganon parin ang expression nya. Parang... GUSTO KO SYANG YAKAPIN.

"May klase pa ako Shaoran." tinawag nya ako sa pangalang Shaoran at hindi Li. Tumingin sya sa kamay kong nakahawak parin sa kamay nya. Parang gusto nyang bitawan ko'to. Pero pagginawa ko, baka hindi ko na sya makita. Pagpinakawalan ko sya, baka hindi na sya lumapit pa, baka mawala na naman sya sa paningin ko.

:o

:-\

Nagtagpuan ko na lamang, na unti-unti nyang binabawi ang kamay nya. At papalayo na sya. Wala akong nagawa, kundi tingnan lang syang umaalis palayo sakin. :-\ Ano ba tong nararamdaman ko para kay Tin?



0906*** is calling.

Bigla ko na lamang nakita ang mensaheng to, Biglang lumakas ang tibok ng puso ko. At naisip ko, na baka si Tin ang tumatawag na'to. Agad kong sinagot.

"Hello T--"

"Hello ka dyan!!! Pumunta ako sa university nyo! Bakit wala ka!!! Alam mo bang pinagmukha mo akong tanga." yun agad ang sinabi nya. Nung una nagulat talaga ako pero....bigla akong natawa.

"Anong tinatawa tawa mo!?" naaalala ko talaga sa kanya si Tin. Sana ganito parin si Tin hanggang ngayon.

"Ano nga palang kailangan mo?"

"Argh! Bukas ko na lang ipapakita sayo. Hmm...talagang kinukulit ako ng mga reporter. Hindi ko agad masasabi na hindi talaga kita kilala. Kaya...sinasabi ko sayo! Pa...pxenxa!" natawa na naman ako.

"Haha. Wag mo na ngang pilitin kung di mo naman kaya."

"Ikaw!!! Wag ka ngang tumawa!!! Ginagawa ko lang to...dahil yun ang mas nakakarapat sa career ko." napatingin na naman ako sa apartment ni Tin. Bumalik na ba talaga sya? O panaginip ko lang.

"Hindi ako susuko."

"ANO!!!?"



Muli nung time na naman ni Mr. Castillo. Late si Tin. Nakatitig lang ako sa kanya buong oras. Hanggang sa nagcheck na si Sir ng mga books. Pero si Tin...umub-ob lang at parang walang pake. Napatingin naman ako sa susunod na nicheck ni Sir. At malapit na kami.

"Tin! Tin!" tinawagan ko sya pero pumikit lamang ang mga mata nya. Pasaway. Ano ba talagang ginagawa nya.

"Tin!..." pero ayaw paring lumingon. O ayaw nya talaga akong pansinin.

Lagot. 1 tao na lang at si Tin na. Hmm...agad ko naman nilagay ang libro ko sa table nya.

"Ms. Allen." bumangon sya at tumingin kay Sir.

"Hindi mo ba nakikita,"

"Well, it's so good to see you with-your-book." tumingin naman sakin si Sir.

"Mr. Cullen?" tumayo naman ako.

"Wala po akong dala." nakita ko ang biglaang pagkibit balikat ni Tin. Nagreact siguro sya dun.

"Well, get out of my class. And report to me after the class. With-the-summary-of-a-novel." okay lang. At least, hindi si Tin ang napahamak.

"Ang tapang ni Shaoran."
"Pero bakit?"
"Hayy.... Kawawa naman sya."

Bago ako lumabas ng tuluyan. Nasa pinto na ako nang lingunin ko muli si Tin. Pero nakakadisappoint, parang wala lang sa kanya. Nakahiga ang ulo nya sa table habang nasa tabi ng ulo nya yung book. :-\ Hindi na ba talaga nya ako papansinin? Binuksan ko na ang pinto at naglakad papunta sa library. Ginawa ko yung pinagagawa ni Sir.

Nung pumunta ako sa faculty. Nakasalubong ko naman si Tin. I mean, nakita ko lang sya. Kasama si....Shin. Napatigil ako. Umiwas man ako ng tingin, paulit ulit na hinahanap ng mga mata ko si Tin. At nang matingnan ko silang muli, hinahawakan na ni Shin si Tin sa braso nito. Kaya nainis ako at agad na pumunta sa kanilang dalwa.

"Bitawan mo sya." nagulat silang dalwa. Hawak ko ngayon ang kamay ni Shin.

"Ikaw. Sino ka para sabihin yan!" tinulak nya ako.

"Useless lang yan Shin. Tandaan mo, may sariling utak yang si Shaoran kaya wala karing karapatang gawin ang mga bagay na yan." napatingin ako kay Tin pero di sya tumingin.

"Tss. Iwan na lang natin sya." hinawakan ni Shin ang kamay ni Tin. Nagulat na lang ako nang bigla ko namang hinawakan ang kabilang kamay niya. Para...pigilin sila. "Ano ba! Bitawan mo nga sya! May mahalaga kaming pag-uusapan!"

"Shaoran..." naiirita ako kapag tinatawag nya ako sa pangalang yun. Diba nagdecide na syang tawagan akong Li.

"Dito ka lang...


...sakin ka lang."


"Si Shaoran at Shin??? Ano yun?"
"Bakit nakasama ang babaeng tomboy na yun? Nakuu.. kelande lande naman."

Wag mong pakealaman ang sasabihin ng iba Tin. Makinig ka sakin.

"Tin, wag mong sabihing makikinig ka dyan sa walang kwentang lalaking yan. Sinasabi ko sayo, future natin ang pinag-uusapan dito." napabitaw ako ng kamay sa kanya. Future? Hindi naman kaya... itutuloy na nila ang engagement. Totoo bang fiance mo si Shin, Tin.


Kung ganon...talo ako. :-\

"Siguraduhin mong mahalaga ang mga sasabihin." nagulat na lang ako ng maramdamang muli ang init ng mga kamay ni Tin.


















Ako? Ako...ang pinili nya? :o
HTML Comment Box is loading comments...