1 photo a-2.jpg 6 photo f.png 7 photo g.jpg 2 photo b-2.jpg 3 photo c-2.jpg 4 photo d.jpg 5 photo e.jpg  photo h-1.jpg

NAVIGATION

Chapter 22

Napatingin ako sa upuang katabi ko. 1 buwan at 1 linggo na syang wala. Sigh. Pumasok naman ang prof namin. Medyo nagulat ako dahil iba ang prof namin. Hindi lang ako ang nakapansin. Halos lahat ng mga kaklase ko.

"I'll be your substitute teacher for now. Your teacher, Mr. Vera is sick. So I want you to threat me well, I'm Mr. Castillo! And I want you to know that you have to attend my class with your own book.. So for now, let's just know each other." mukhang strikto ang teacher na'to ah.



Pagkatapos ng klaseng yun, pumunta na ako sa sunod kong klase. At kaklase ko naman si Selina. Papasok pa lang ako at papaupo, nakikita ko na ang mga matang nakatingin sakin. Nakita ko si Selina, at kasakasama nya ang mga kaibigan nyang mga NPC. May hawak silang mga newspaper. At paulit-ulit silang sumusulyap sakin. May mga naririnig pa akong bulung bulungan na hindi ko naman marinig ng malinaw ang mga sinasabi nila. Saka lang sila tumigil nung dumating na si prof.

Pero habang nagkaklase, napapansin ko rin ang maya't mayang ngiti at sulyap sakin ng babaeng professor. ??? Nakakapagtaka.

At nung matapos, kahit naglalakad ako sa pathway, corridor, at saanmang parte ng school. May mga taong nakatingin sakin, at malimit nagbubulungan lalo na kapag may hawak silang news paper pero hindi school news paper. Ganon pa man, hindi ko na pinansin.

"Shaoran." kakasalubong ko lang.

"Selina?"

"Alam mo ba ang tungkol dito." may hawak din syang newspaper. At may pinakita sya.

Bigla namang nagring ang bell at may biglang sumagi kay Selina. Inalalayan ko sya.

"Alis na ako Selina. Saka mo na lang sabihin sakin yung tungkol sa balita."

"Sandali, Shaoran!" ang totoo wala naman talaga akong pakealam sa balitang yun.


Hanggang sa natapos ang klase. Nagdismissal at nakauwi ako ng bahay. Atsaka ko lang naalala yung sasabihin ni Selina. Siguro importante yun. May related sa newspaper? Sakin? Anong klaseng balita naman kaya yun?

Pumunta ako sa balcony. At sinubukang tumingin muli sa apartment ni Tin. Subukan ko rin kayang umakyat dun at tingnan ang kwarto nya gaya ng pagtingin tingin nya sa kwarto ko. Kung...gagawin ko ba yun, matatagpuan kong nandun pala si Tin. ...











...











...









...

"Hahahaha! Ano bang sinasabi mo Li! :( Hindi na babalik sa Tin. Hindi ka naman kasi nya hinahanap! :-/" napaupo ako. At napayuko. Hinawakan ko ang buhok ko at ginulo. Naiinis ako. :(

"Pa! Alis na po ako!"

Nagsimula na akong umalis. Kahit sa kalsada. Hindi maiiwasang may mga matang nakatingin lamang sakin. At gaya ng nasa school, may mga tao ring nakatingin sakin na malimit nagbubulungan.

"Ibig sabihin, all this time, kaya palagi nya tayong binabalewala.. dahil may gf na sya?" ???
"At bakit naman yung babaeng yun pa."
"Ang hirap naman nyang abutin :-\ " ang daming bulungan sa paligid. At halos naririnig ko ng malinaw.

"So yun pala ang tipo nya."
"Mas mabuti na siguro yan, ng mawalan na ng interest ang gf ko sa kanya."
"Pero nakakainis parin."
"Ang kapal." >:(

"Hindi siguro sya nababagay kung kaninoman. Kung hindi lang si--" bigla na lang may humintong magarang sasakyan sa harap ko. At mas lalo lang nakuha ang attention ng mga taong nasa paligid. At parang mas dumami pa yung mga taong nakiusisa.

At may biglang lumabas na babae pagkabukas ng pinto nung nakaitim na lalaki. Hindi ko sya mamukhaan, saka lang nung tinanggal nya yung shades nya.

"Hi babe." ngumiti sya. Ganito lang naman ang reaction ko. ???

"Miss C--"

"Just Babe. Call me babe." lumink sya sa braso ko at ipinasok ako sa kotse na yun. Ang daming nakatingin samin. At halatang gulat na gulat.


"Argh! Kailangan ko ba talagang gawin to!?" tumingin sya sakin.

"Bakit nga pala ako nandito." hindi ko na naman magawang makatingin sa mga mata nya.

"Ikaw!" nagulat ako sa pagtaas ng mga boses nya. "Magpapanggap kang boyfriend ko. Simula ngayon! Sa harap ng lahat ng tao. At sa media!" pero mas nagulat ako sa huli nyang sinabi.

"Hindi pa to ang huli natin pagkikita." at umalis na ang sasakyan nya habang tulala parin ako dito.


"Shaoran." napalingon ako. At napansin kong madami na pala dito sa school namin ang nakakita ng scene na yun.

Kaya naman, agad akong naglakad. Na para bang wala lang akong pakealam.

Pagdating ko naman sa classroom. Ganon parin. Argh! Talagang kumalat ang balita ng ganon kabilis. Eh 3 araw na ang nakakalipas bago ko makilala ang babaeng yun ah. Siguro nakunan kami ng picture ng mga reporter. Eh paano yan... nagpapanggap din kami ni Tin na maggfbf ah. Paano kung malaman nina Papa, Karyl at Derik. :o Lagot ako neto. :-\

"Goodmorning Class." at nagsitayo naman kami at bumati kay Prof. Pagkaupo, agad ko namang nilabas ang libro ko.

"Okay. I just want to announce something, that Miss Allen came back." napaangat ang ulo ko pagkarinig ko ng ipilyido nya.

Hanggang sa may babaeng pumasok. Maikli ang buhok. :-\ Nagkamali lang siguro ako ng dinig. Tinuloy ko ang ginagawa ko.

"Miss Allen, you may take your sit." naramdaman ko namang may umupo sa harap ko. Pero di ako tumingin sa taong umupo. Imbes, mas naagaw ang atensyon ko ng upuan ni Tin na nasa kanan ko. Wala talaga sya. Allen, Kirstein Phenelopy. Kailan ka magbabalik?

"Okay. Take your book. And we begin our lesson." pagkatingin ko sa harap ko. Biglang lumakas ang tibok ng puso ko.

thump.thump.thump.thump.thump.


At natemp akong tumingin sa likod ng nasa harapan ko. Thump.thump.thump.

"Before anything, I will check the book first. " tumayo naman kaagad yung nasa harap ko. Thump.thump.thump.thump. Bakit ang bilis ng tibok ng puso ko? Walang tigil? :-\


"Miss Allen."

"Sorry Sir, pero nawala kasi ako ng 1 buwan at 1 linggo. So acceptable naman siguro yung reason ko. 8)" ang boses na yun...










thump.thump.thump.thump.thump.thump.


"Tin?!" :'(
HTML Comment Box is loading comments...