1 photo a-2.jpg 6 photo f.png 7 photo g.jpg 2 photo b-2.jpg 3 photo c-2.jpg 4 photo d.jpg 5 photo e.jpg  photo h-1.jpg

NAVIGATION

Chapter 21

Hanggang ngayon, iniisip ko parin si Tin. Totoo nga kaya ang lahat? Totoo bang lahat ng yun?

"Anong Royal!? Bakit naging prinsesa si Tin!?" galit na hinawakan ko ang balikat ni Selina.

"Shaoran."

"Please sagutin mo'ko!" naiinis na talaga ako dahil wala akong alam. Gustong gusto kong malaman lahat. >:(

"Anak sya ng isang prinsesa. Ang ina ni Tin ay prinsesa sa England. Sa England talaga sya pinanganak at lumaki. Fiance nya si Shin bata pa lang sila. Pero dahil sa isang accident, namatay ang ina ni Tin. Nasira ang lahat. At nawasak. Tanging ang ama lamang ni Tin at siya ang nabuhay kaya... pinalayas sila sa bansa at dito sa Pilipinas nanirahan. Hanggang sa nag-asawa na uli si Tito. Ang step mom ni Tin sa ngayon, na lumaki sa Canada. Kaya sila nandun." parang umiikot lamang sa isip ko ang mga sinabi ni Selina. Wala akong maintindihan! >:(

"Hindi ko parin maintindihan lahat! Ibig sabihin ba... Nasasaktan sya. Malungkot si Tin! Ano ba talaga!" tuluyan ng pumatak ang mga luha ko.

Nasasakal ako sa kagustuhang makita si Tin. Kailan ba ako naging ganito. Kahit kailan, hindi ako nagkulang sa pagmamahal galing sa ina ko na nasa ibang bansa. Pero bakit kay Tin. Bakit simula ng nawala sya. Pakiramdam ko, may parteng pinakawalang kwentang dumating sa buhay ko na noong nawala ay hinahanap hanap ko. Parang gusto kong gawin lahat... PARA LANG MAABOT ANG KAGUSTUHANG YUN.

Dire-diretso ako sa pagpasok sa bus at umupo ng wala sa sarili. Bakit ganito ang pakiramdam ko, hindi ako kumpleto. There's something I want to complete to myself. Dahil kaya...kay Tin. ANO BA SI TIN SAKIN? :-\

"Uy totoy mag-ingat ka nga."
"Tss. Pasensya na po manang."


... :-X

"Uy Miss paupo hah."


*PAKKKKK*

Mukhang mapanganib na ngayon sumakay ng bus ah. Ang ingay. May nag-aaway ata. Pati ba naman dito, magpapatayan sila. :(

"Nakuu kawawang lalaki, nasipa sa mukha. Totoy ayos ka lang ba?"
"Ay duguan ang nguso, nakuu.." napalingon naman ako. At ang tanging nakita ko lamang sa pinto ay babaeng mahaba ang buhok. Tapos dun sa mga taong nagkakagulo na ako lang yata ang hindi nagrereact o walang pake.

Nabugbog na lalaki,

"Totoy, dadalhin ka pa ba namin sa hospital?"
"Ay nasaan na ba ang driver!"
"Ano bang ginawa mo dun sa babae, totoy? Totoy! Totoy! Ay naku...Malakas ang tama nito oh. Duguan ang mukha e."

Babae. Babae daw ba kamo ang may gawa kung bakit napuruhan ng ganong katindi ang mukha ng lalaki. Napatingin ako sa labas tapos sa pinto uli kasi dumating na yung driver-- :o Lumingon uli ako sa labas at inilapat ang mukha ko sa salamin.

thump.thump.thump.

Ang babaeng may mahabang buhok. :o

Agad akong tumayo at naglakad. Pero ang daming nagkakagulo dahil nga sa lalaking nasaktan. Hindi ako makadaan kaya dun na lamang ako dumaan sa may upuan kahit na ang bastos tingnan.

"Ay totoy! Pakibuhat naman ng lalaking--" di ko na narinig pa ang sinabi ng matanda at agad na akong lumabas ng bus at tumakbo.

Takbo. Takbo. Nagbabakasakaling makitang muli ang babaeng yun. Na....maaaring maging si Tin.

>:( Ang daming tao! Wala akong makitang kagaya ni Tin. Hindi ko makita ang babae kanina. Bakit! Nasaan ka!? Dumating ka na diba!!!



"TINNNNNNNNNN!!!~" nagtinginan lahat ng tao sakin.

Tumingin lahat sakin. Lahat sila nakatingin.

"Ay ang gwapong lalaki!"
"Ako si Tin!? Bakit mo ko tawag!? :D" ;D ~~> author.
"BAKITTTT!~"

at...



dun sa may kalsada. :o Tumakbo agad ako. Yung babaeng tatawid na yun.
Tumakbo ako. Takbo.

at... :)




nahawakan ko ang braso nya!

"Tin?!" ngiting ngiti akong humarap sa kanya. At...




:)




???






:o :o



>:(

"SINO KA!!!?" sabay naming sabi! With the same reaction. At...

"HUWAW! Ano to, nasa taping ba tayo!? :o" lahat ng tao nakatingin samin. Dun ko lang napansing... may mga camerang nakatago.

"WaAAAAAHHH!!!~ nandito si Channel Carey!!!" agad na tumungo yung babae. At pilit na tinago ang mukha gamit ang bangs nyang mga kilay ang haba.

"Oh my god!" mabilis syang naglakad at hinawakan ang kamay ko. "Sumunod ka sakin."

May mga lumabas na mga reporter. Photographer. At mga fans. Naaalala ko na. Channel Carey! CC!? :o Yung sikat na singer! :o

Takbo lang kami ng takbo. Ako naman, walang magawa, bahala na lang!

"Miss CC!!!" hanggang sa may biglang humintong sasakyan sa harap namin at may lalaking nagbukas nito kaya dali dali kaming pumasok.

Talagang ang daming sumusunod samin. Narinig ko naman syang huminga ng malalim.

"Nakakaasar! Akala ko pa naman wala ng makakapansin sakin. At...talagang sinusundan parin ako ng stalker kong yun!" ginulo nya buhok nya. Wala akong masyadong alam sa singer na'to. Pero...maganda sya huh.


??? Hm. Bigla naman syang tumingin sakin. Galit sya. Umayos ako ng upo at lumayo ng konti sa kanya.

"Miss, heto po ang tissue." ramdam ko paring nakatingin sya.

"Aish!" pinunas nya yung tissue sa mga pawis nya. At tumingin uli sakin.

Nakatitig. Masama ang tingin. Narealize ko naman ang pagkakamali ko. Unti unti akong tumingin ra kanya. Yumuko ako.

"Sorry. Akala ko kasi...ikaw yung kakilala ko. Parehas kasing kayo ng buhok, parehong maganda." hindi parin ako makatingin ng diretso sa kanya.

"Ah-Argh! Sa tingin mo maniniwala ako. Oh my god, what do you think of me!? Fan ka ba, sabihin mo na lang okay. Akin na, bibigyan kita ng autograph!" kumuha sya ng ballpen at tumingin sakin habang nakalahad ang mga palad.

??? Iniisip ba talaga nyang fan nya ako?

"Pasensya ka na, hindi naman kasi kita ganon hinahangaan--" sumama ang tingin nya.

"akin na sabi!" tumaas ang boses nya. Kaya automatic na binigay ko yung panyo ko. Tumingin na naman sya ng masama tapos pumirma.

Napatitig ako sa kanya. Habang tinititigan ko sya. May naramdaman akong kakaiba.

Binalik din naman nya yung panyo ko. At ganon parin ang expression ng mukha nya. Naiinis. ???


"Ihahatid ka na namin." at..napangiti ako.






NUNG MAALALA KO BIGLA, NA MAY PAGKAKAPAREHAS SILA NI TIN.
HTML Comment Box is loading comments...