Walang kumikibo. Walang nagsasalita. Nagtititigan lang kami nang sobrang lapit.. bakit siya nasa kama ko. Bakit siya nasa kwarto-
:o
"AaaaaaaaaHh!!!"
Bigla niya akong sinipa. Nadale naman sa baba ko. Napahawak ako sa baba ko. Kabayo ba ang babaeng to!?
"Bakit ka ANDITOooo!!!"
Nanlaki ang mata ko. Lumapit ako sa kanya at tinakpan ang bibig niya. Pagnarinig yun ni Papa, panigurado ang isa pang gulo.
Bigla akong binarog nung babae. Marunong ba tong mangarate?!
"Anung ginawa mo sakin. Nirape mo ako noh!?"
Nakatingin parin ako sa kanya. Paanong yung maamo at malaanghel niyang mukha ay kabaligtaran ang ugali niya. ???
"At.. Bakit ka anditoo!!?" medyo gulo ang buhok niya pero ang ayos paring tingnan sa itsura niya.
"Miss, aking kwarto to."
"AaaaaaaHh!! At ngayon ninakaw mo pa ang kwarto ko!" tumayo ako pero bigla naman niya akong binato ng unan sa mukha.
"Ang sakit na huh." 4 na harassment na ang babaeng to. "Miss, aking kwarto to. Bahay namin to!"
Tumingin siya sa paligid. Ang ganda parin niya. Pero baliw siya.
"Bakit ako nandito?" tumingin siya sakin ng like suspiscious look. "Kinidnap mo akoo!"
"Argh," biglang may sunod-sunod na bato ang bumato sa katawan ko. Aray ko.
"Letche kang manyakis ka."
Pang5 na yun. Bugbog sarado na ako sa babaeng to.
Tumayo siya sa kama. Tiningnan niya ang paligid. Parang manghang-mangha siya. Parang bata.
"Mas maganda to kesa sa apartment ko."
Bigla akong nakaramdam ng pagkainit. Nakasando lang pala ang babaeng to at fit pa. Sexy siya huh. Pero nakajogging pants naman siya. Binuksan niya ang pinto ng balcony ko. Sumunod naman ako. Bigla siyang tumalon.
"Hoy mapanganib yan."
Nakarating siya sa balcony niya. Galing talaga ng babaeng to.
*toink*
Aray? Batuhin ba naman ako ng tsinelas niya. >:(
"Hoy! Akala mo nakakalimutan pa kita! Ikaw yung bastos na nananggi sa x-gf niya. Manyakis ka pa! Para saan pa yang mukha mo kung ganan pala ugali mo!"
Baliw din ang babaeng to noh. Magconfess ba naman. Eh hindi naman kami close. Pinaalala na naman niya sakin ang nangyari kanina. Nakakaasar lang kung aalalahanin ko pa oh. Napahawak ako sa pisngi kong kanina lamang ay nasipa niya. Pero hindi ko narin nararamdaman ang sakit dahil sa paulit-ulit niyang pambubugbog sakin. >:(
"Di kita kilala! Bakit ka ba pumunta dito. Akyat bahay ka ah!" di naman ako galit.
"May atraso ka pa sakin! Kaya dyan muna ang tsinelas ko at babalikan kita!" at tumalikod na siya. Naaaninag ko pa ang maganda niyang buhok.
Malaking kabaliwan to, anu pa daw ang mukha ko kung ganito naman ang ugali ko ??? Di ba siya nakikipag-usap sa sarili niya! >:(
Papasok na sana ako at sasaraduhin na sana ang pinto..
"HOY SINABI NG BABALIK AKO E!" nang marinig ko na naman ang nakakairitang boses niya.
Nagvivideo game lang ako. Mga 6 na nun, bukas ang pinto at gaya ng inaasahan bumalik na naman siya.
"Wow! Video game! Woot! May laro bang-" naagaw na agad niya sakin yun. >:(
"Ang galing! ::D" tinitingnan ko siya sa likod. Nakacap na naman siya.
"Anu na naman ang ginagawa mo?"
Hindi siya nagsasalita. Hanggang sa tunog lang ng tyan niya ang narinig ko. Napatigil siya. Tumingin siya sakin at binelatan pa ako.
"Wow! Ang sarap mo pa lang magluto! Ang galing!"
Kinuha niya yung kutsara niya at agad siyang kumain. Ang takaw. Parang mauubos ata ang niluto ko dahil sa babaeng to. Nakatingin lang ako sa kanya. Nakakaturn-off talaga ang babaeng to. Nawawalan ako ng gana.
"hnjgpdgdgm-*ubo* Bakit di ka kumakain?" tiningnan ko siya ng masama.
"Simangot ka ng simangot. Bakit di ka kaya ngumiti! Sayang pa naman yang mukha mo."
Kung ang pagsimangot ko ang magpapapangit sakin. Siya naman, lahat na ata ng kilos pati yung ugali niya.. sukdulan na ng kapangitan. Wala ba siyang manners? Parang di siya babae kumilos. Parang di siya maganda tingnan kung gagalaw siya.
"Kaya lang naman ako naparito sa kwarto mo. Hindi naman kasi ako mapakale sa apartment ko. Mas comfortable ako dito! Pero don't worry di naman kita aagawan ng kwarto. Magalit ka pa sakin e."
Magalit. Kanina pa ako galit noh. Naiinis na nga ako eh. Anu bang utak at pag-iisip meron ang babaeng to. >:(
Matapos niyang kumain. Di talaga kami nag-uusap. Ayokong makaencounter ng ganang tao.
---------------------------fastforward[at the school]..--------------------------
"Ang cute talaga niya!"
"Sana mapansin niya rin ako!"
Papunta na ako sa una kong subject. Pero eto na naman at naririnig ko na naman ang mga bulong-bulungan ng mga babae na bawat makita ko.
At mabuti na lang nakarating na ako sa classroom ko. Nakatingin lahat. Bago na ngang school. College ka na nga at di hs pero lahat ng lalaki parang ang sasama ng tingin sakin. Alam ko di maganda ang ugali ko para kaibiganin nila ako. Di naman ako kaperpekto gaya ng iniisip nila. Parang may guard na nakabuntot sakin at lahat ng estudyante nakadistance.
Bakit ba lalo silang lumalayo? ???
"Hm?"
Nakatingin lang ako sa libro ko pero feeling ko may tao talagang malapit sakin at nakatutok sakin. Malapit lang talaga.
Dahan-dahan kong binaba yung libro ko..
"YO MEN!"
???
:o
:o
>:(
Nanlaki ang mata ko sa babaeng bumulaga sa mukha ko. SIYA???