"Wah! Ang sarap maligo! Ang ganda ng lahat! Nagutom tuloy ako,"
"Ahahah! Nakapagluto ka na pala Shaoran?" di ko napansing dumating na pala sila sa kusina. Tumango naman ako. At dali-daling inihanda yung kakainin namin. Tapos bigla namang lumapit si Selina.
"Tulungan na kita!" ngumiti naman ako.
"Oh Tin. Natulog ka ba?" napalingon ako. At pagkatingin ko, nakita ko syang nakatingin samin ni Selina. Kay Selina'ng nakahawak sa plato na hinahawakan ko rin. :o Naalala ko tuloy yung sinabi nya sakin kanina.
"Ah ako na lang!" inagaw ko agad yung plato at agad na lumayo kay Selina. Ouch! Mukhang nasaktan ko ang ego ni Selina. Hmm...Tin naman e, akala ko ba tulong. Eh torture to e. :-\
"Oo. Natulog nga ako." umupo ako at nakita kong sinamaan ako ng tingin ni Tin.
Kumain na kami. Habang kumakain kami. Hindi ko maiwasang hindi mapatingin kay Selina lalo pa't kaharap ko lamang sya. Kaya pagnapapatingin ako, sinisipa ako ni Tin. Ang masakit pa, nakikita kong nahihirapan si Selina. Pagnaman may ipapaabot sya sakin. Ang ginagawa ko na lamang ay ibibigay ko kay Tin. Tapos ganito look ni Tin ??? at iaabot nya kay Selina. Nahahalata na nga ako nina Karyl at Derik. Argh. Ang hirap! :-\
"Tin! Bakit ba kailangan pang gawin to?" nanonood sya ng tv sa kwarto nya. Sa sobrang laki ng rest house nila, tigigisa kaming lahat ng kwarto. Ang kanya ang pinakasimple pero ang pinakacomfortable sa lahat.
"Hahaha! Tinamaan sya ng buko sa ulo! Bwahahaha~ ;D ;D ;D ;D" umupo ako sa sofa nya.
"Tin naman eh. :(" bigla nyang nilagyan ang bibig ko ng popcorn at bigla namang nagbukas ang pinto. :o >:(
"Oh wow! Ang sweet niyo naman dalwa! Ganyan ba talaga kayo, SL!" ??? Ano naman kayang trip nitong si Derik? Sl? Anong acronym yun, >:(
"hmf! Akala ko sya na, gorilya lang pala!" lumousy ng upo si Tin.
"Si Selina ba ang hinahanap mo Tin? Hmm...mukhang nandun sya tabing dagat e. Gusto daw kasi nyang mapag-isa-"
"Mapag-isa? Delikado! Nakakatakot ang mag-isa!" tatakbo na dapat ako. Pero di ako makaalis sa kinalalagyan ko.
"Oo. Nakakatakot talagang mag-isa. Kaya wag kang aalis, di mo ako pwedeng iwan! >:(" napalingon ako sa likod ko. Hawak ni Tin ang damit ko. Salbahe talaga! >:(
Kinikilig at natutuwang umalis sina Derik at Karyl. Ako naman, mukhang tanga dito na nakatingin sa kawalan at naririnig ang hagakhak ni Tin. Kanina pa sya tawa ng tawa sa korny'ng joke na yun. Ano yun! Kapanahunan ni Chaplin! Grr~ Dumungaw naman ako sa labas.
Si Selina, nag-iisa sya dun. Sigurado nalulungkot sya. Yun pa naman ang ayaw nya. Yung nag-iisa sya. Hmm.. Ito namang si Tin, tawa lang ng tawa. Diba magpinsan sila? Pero bakit di man lang nya inaasikaso si Selina. Tsk. Salbahe talaga tong si Tin. >:(
Bumaba naman ako at pumunta sa salas ng walang pasabi.
Binuksan ko ang tv at naupo. Mamaya pa't dumating si Selina. Bigla akong kinabahan at umayos ng upo. Kumuha narin ako ng m&m nips na nasa table na nasa harap ko. Be cool li!
"Shaoran?" kumibo ang mga mata ko pero di ako lumingon. Nagpafocus-focus lang ako sa panonood ng tv.
"Shaoran." nagulat na lamang ako nang bigla na lamang syang nasa tabi ko.
"Oh. Ikaw pala, Sel. May kailangan ka ba?" sinubo ko yung m&m and trying to act cool.
"Mukhang hindi mo maiwan iwan si Tin ah. Kayo ba...ni Tin...may namamagitan ba sainyo--"
"Wala. Hindi kami!-" natakot ako ng bigla ko namang nadatnan sina Karyl at Derik na nasa malapit lang samin.
kumunot ang noo ni Karyl. Pero iniwasan ko lang ang tingin nya. :-\
"Mukhang malungkot ka yata."
"Huh?"
"Shaoran, hindi mo kailangang itago sakin. Okay lang." tapos umalis na sya.
Pagkaalis na yun ni Selina. Pumunta naman ako sa taas din. Sa kwarto ni Tin. Nasa pinto na nya ako. Hawak ko na yung doorknob nya. Pero...parang may pumipigil sakin.
??? Nang bigla namang nagblockout. ???
Agad kong binuksan ang pinto ni Tin. At pumunta kung saan man. Ang dilim. Kaya hindi ko sya agad makita. Nung mahawakan ko yung sofa, naisip ko na baka malapit lang sya.
"Tin?" ang alam ko nasa may carpet sya. Kaya umupo ako.
"Tin?!" sa laki ng bahay na'to. Bakit naman biglang nagblock-out?
"AAAAAAAAAAAAAHHHHH!!!~" ang boses ni Selina! Takot nga pala sya pagnag-iisa sya, lalo na at wala syang makita. Agad akong tumayo. At pagkatayo ko...
May biglang humawak sa kamay ko. At sa tingin ko, mukhang si Tin ang babaeng nasa malapit sakin. Ramdam ko na sya yun.
"TULONGGGGGGGGGG!!! SHAORANNNNNNNNNN!!!" napalingon naman ako. Pero ... mas lalo pang hinigpitan ni Tin ang pagkakahawak sakin. :-\
"Takot si Selina sa madidilim, ayaw nyang nag-iisa. Tin..." unti-unti kong inalis ang kamay nya.
"d-Dito ka-...lang!" :o Nanginginig ang mga kamay nya.
Hinigpitan nya ang pagkakahawak sa kamay ko.
"TINNNN!!!" dumating si Karyl. Kaya agad ko namang inalis ang kamay ni Tin.
"Karyl, bantayan mo muna si Tin. Kailangan ako ni Selina." tatakbo na ako nang biglang sumigaw si Karyl. :o
"Dalhin mo muna sya sa labas. Bawal si Tin sa madidilim na lugar!" napahinto naman ako. Nilingon ko sila. Nakaakap lamang si Tin sa mga tuhod nya. Hindi ko masyadong maaninag. Pero...
"Babalikan ko na lamang kayo!" at tuluyan na akong tumakbo palayo.
"Shaoran!"
Takbo ako ng takbo. Kahit madilim, pinilit kong mahanap ang kwarto ni Selina. Nang may narinig akong umiiyak.
"SELINA!!!" tinulak ko si Derik na nakahawak sa likod ni Selina at hinawakan ko ang mga kamay ni Selina.
"Sel-"
"Shaoran!" niyakap nya ako bigla. Mahigpit. At maiyak iyak na sya.
Hinimas himas ko naman ang likod nya. Ayaw ni Selina sa madidilim, dahil feeling nya lagi may multo. Ang childish man, pero karanasan nya kasi yun. Kaya nung js namin nung 4th year, nung matagpuan ko syang umiiyak, ang sabi lang niya, 'Iniwan kasi nila ako, ayokong nag-iisa sa madidilim na lugar'
"Tss. Ikaw lang pala ang magpapatahan dyan." bulong naman ni Derik. At nagkailaw na.
Napatingin ako sa kapaligiran.
"Bakit nawalan ng ilaw ang malaking mansion na'to?"
"Argh! Tara kina Karyl." lumayo naman ako kay Selina. At nginitian ko sya habang magkahawak kamay kaming pumunta sa kwarto ni Tin.
Nandun parin sila sa posisyong yun. Nakaakap parin si Tin sa mga tuhod nya at nakaub-ob.
"Karyl?"
"hmm. Si....Tin?" tatakbo na si Derik kay Karyl. At pagkahawak nila kay Tin.
"Hindi sya gumagalaw." :o Nagulat ako. Lalapit na sana ako.
Pero, nung inayos nila ang posisyon ni Tin. Pikit sya at....hindi humihinga.