1 photo a-2.jpg 6 photo f.png 7 photo g.jpg 2 photo b-2.jpg 3 photo c-2.jpg 4 photo d.jpg 5 photo e.jpg  photo h-1.jpg

NAVIGATION

Chapter 18

"Bakit di mo sinabi sakin...na....magpinsan pala kayo ni Selina?" naglalakad kami ngayon sa sidewalk. Bibili kasi kami ng mga kakain ngayong linggo. Naubusan rin pati ang restaurant ng supplies. Tapos....bigla ko na lamang naisip na itanong sa kanya to. Matagal ko narin kasing iniisip to.

"So yan ba talaga ang hanggang ngayon na nakatatak parin sa utak mo?" angas talaga nito!

"Nakakapagtaka lang kasi. Nung una mo naman syang nakita, parang hindi mo naman sya kakilala. Tapos...hindi naman kayo nag-uusap. Basta parang.."

"Pinagdududahan mo ba ang pagiging magkadugo namin?"

"Hindi naman sa ganon! Haha! Pero....may fiance na pala sya noh." nakakalungkot isipin na ang gaya ni Selina ay ikakasal na pagnag18 sya. At yung b-day nyang yun ay parang engagement party narin.

"Ano? Nagseselos ka!" a- ANO DAW! :o


"Hindi noh!" nakarating nakami sa supermarket.


Agad naman syang kumuha ng basket. At namili narin naman ako.

"Anong tingin mo dito?" hawak ko ang bacon. Hindi naman sya nakatingin sakin. ???

"Tutulungan kita." ano daw? ??? Ano bang iniisip ng babaeng to. Mukhang madaming gumugulo sa isip niya ah.

"Ah oo naman. Tinutulungan mo ako. So ano nga, bacon ba gusto mo? O baka naman gusto mo na naman ng porchap?--"

"Maghintay ka lang at manood. Panigurado...matutulungan kita." nagsimula naman syang ngumiti-ngiti ng parang demonyo. >:D

Honestly. Hindi sya nakakatulong. Tulong? Eh nakatulala lang sya eh. Tulong daw! >:( Hindi ko talaga maintindihan ang baliw na'to.



Hanggang sa magkinabukasan...



:o :o :o

"SELINA!!!?" :o Anong ginagawa niya dito!? At...sina Derik at Karyl??? Ano na bang nangyayari??? ???

"Late ka na naman!" may biglang tumama sakin na bagay na parang mabigat na ewan. Ewan...pero ang sakit eh. Pero....tulala parin ako sa mga nangyayari. Si Selina, naririto??? ??? :-[

"Hi Shaoran!" ngumiti sina Karyl, Selina, at kinawayan naman ako ni Derik.

Lumapit ako sa kanila. Sandali... School days ngayon diba? May 45 mins. lang ako para magbreak. At ngayon...ngayon nandito sina Selina, Karyl, Derik, at Tin. Sa rooftop ng school namin nina Selina at Tin. Iba naman ang school nina Karyl at Derik. Pero...bakit sila nandito? :o

"Aray!" may biglang nanampal sakin. Pagkalingon ko, si Tin? >:( Problema nito?

"Nabato na nga kita ng sapatos ko.. pero di ka parin natatauhan!"

"Sobra pala kayong close sa isa't-isa noh." sabi ni Selina.

"Hindi, ano...kasi. Ang totoo nyan--"

"Ang toton niyan...ang pinsan kong si Li at si Kirstein ay magnoby--" bigla syang sinuntok ni Tin. Knock-out. Tumba ang pinsan ko.

"Ano yun?" wah. Anong sasabihin ko kay Selina. Hindi naman sa may tinatago kami ni Tin, pero...

"Alipin ko sya." nagulat si Selina. "Oo. Ang gwapong lalaking to...ay ALIPIN KO." tumawa sya ng nakakairita. >:(

"Hehe. Kirstein, alam mo, hindi mo na dapat ako kinausap para dito. Atsaka...ayoko ng tinatrato mo ng ganyan si Shaoran. Mapupunta ka sa gulo pagnalaman yan ng mga fansclub niya." si Selina...bakit...parang naiba ang mood niya. ???

"Look who's talking, my belabed kasin! 8) Don't worry, hindi ko inaalipin ng ganon ang Shaoran mo, right Li." inakbayan ako ni Tin. Ano ba talagang nangyayari? ???

"He's not mine. Alam mong may fiance ako." ??? Bumitaw si Tin sakin.

"Ang sakit...bakit ba ako sinuntok ni Tin? :'("

"Haha. Kung wala ka na talagang nararamdaman kay Li, then sumama ka. Sa pinag-usapan natin." mukhang seryosong pag-uusap to.

"shh~ wag kang maingay Derik."

Tahimik na nagtititigan sina Selina at Tin. Ang totoo, normal na para sakin na ganyan si Tin. Pero...hindi kay Selina. Hindi ganito ang kilala kong Selina. Napakagentle niya at napakabait. Pero ngayon....ang matapang na Selina ang nakikita ko.

"Ano...kayong dalwa...ano ba talagang pinag-uusapan--"

"Okay! Sasama ako sa resort niyo!" tumayo sya. Pero bago umalis. "Pero...siguraduhin mong hindi to makakarating kay Tito!" at nagwalk-out. Pinapanood ko parin ang pag-alis ni Selina. Hanggang sa sarduhin na nya ang pinto.

"YAHO!!! Magbibeach tayo ngayong darating na linggo." ano??

"So tapos na ang pag-uusap niyo. Whew! Pumayag na sya. It's the final decision."

"Haha! Good for you Tin." hindi parin ako makakuha ng idea.

"Sa resort niyo Tin?" hanggang ngayon nasa isip ko parin yun. "May resort kayo? At si Selina, bakit mo sya isasama? Pinsan? Anak ka ba nino, Kirstein Allen?" tawa parin ng tawa si Tin na parang binabalewala lamang ang tanong ko. At mukhang nagulat naman si Karyl sa mga tinanong ko. Manhid talaga ang baliw na'to. >:(

Bigla na lang syang lumapit sa mukha ko. :o :-[

"This coming sunday, magsisimula na ang pagtulong ko sayo." nangindat sya. "At...mapapalapit ka na sa pinapangarap mong Selina!" bigla syang tumayo. :o

Imahinasyon ko lang ba o hindi. Mukhang...galit si Tin? ???



"Ah hi Shaoran!!" maaga akong dumating sa usapan. Sumunod si Selina. Sabi... 6 ang alis namin, pero hanggang ngayon. Wala parin sina Tin. Ngumiti naman ako sa kanya.

"Goodmorning Selina." :) kami palang ang nandito.


Naupo naman kami ni Selina sa may shed at naghintay. Ngitian lang kami sa isa't-isa. At di rin nagtagal, dumating na sina Tin. At sabay-sabay pa silang tatlo. Mukhang sinadya ah? ???

"Goodmorning!" bati nina Karyl at Derik.

"So ano, tayo na!" mamaya maya may nagpark na van. Dun kami sumakay.



Mga 2 oras pa daw kami makakadating sa nasabing resort. Katabi ko ngayon si Derik. Gusto ko mang magtanong sa mga nalalaman niya, kaso mukhang wala ding alam ang isang to. Argh! Useless! >:( Clueless naman ako. Ano ba talagang iniisip ni Tin sa mga sandaling to? Tutulungan? Kay Selina? Bakit? Argh! Kinuha ko na lamang ang earphone ko at nakinig ng music sa ipod ni Tin.

At matapos nga ng 2 oras ay nakadating na kami.., ito ang mukha ko pagkakita sa nasabing resort--> :o

"Ang ganda naman ng resthouse natin Tin!"
"Astig!"
"Mukhang mag-eenjoy naman ako dito."
"Tara na, pumasok na tayo!"

Kaninong anak ba talaga si Tin? At ang resort na'to, NAPAKAGANDA! :o Sa harap ng resthouse na ubod ng laki, ang isang fountain. Tapos ang gaganda pa ng mga halaman. Napapalibutan ng mga fine tree ang kabuuan ng lugar. Naglakad kami sa loob ng resthouse. Talagang...makakapagpahinga ka. Ang linis. Ang laki. Ang ganda. At ng makarating kami. Ang nasa likod pala ng resthouse ay ang kabuuan ng dagat. :D Kaya pala mukhang nasa gubat kami, yun pala nasa tabi to ng dagat. Ang ganda. Kulay asul ang dagat at white sand! :D

"Ang ganda Tin!"
"Maaari na bang maligo!?"

"Wahahaha! Kayo ang bahala!" sumunod naman si Selina kina Karyl at Derik. Mukha namang nag-eenjoy sya.


Kami na lang ang naiwan ni Tin. At kanina parin niya ako hindi pinapansin. Ano bang problema ng babaeng to? ??? Lumapit ako at nagsimula magbukas ng topic.

"Hoy! Ano ba talaga tong plano mo? Baka makahalata si Karyl na hindi naman talaga tayo sa ginagawa mong paglalapit samin ni Selina." hindi ako makatingin sa kanya. Baka kasi makita ako ni Selina dito, kaya sa kina Selina na lang ako nakatingin. Phew!

"Wag kang mag-alala. Diba sabi ko tutulong ako, kaya ito...ginagawa ko na." aalis na sana sya.

"Pero bakit?" tumigil sya panandalian.

"May gusto rin akong patunayan. Panigurado...pagkatapos nito, may malalaman ako." malalaman? Patunayan? "Onga pala sabihin mo sa kanila tutulog muna ako, masyado akong napagod." at tuluyan na syang umalis.

Tapos huminto uli,







"Wag ka nga palang masyadong maglalapit kay Selina. At wag kang mabait sa kanya! >:( Kundi! Kik! Papatayin kita! Hmf!"
HTML Comment Box is loading comments...