"Shaoran." bigla na lang akong sinapok ni Tin at dali dali syang nagtago. Ouch. Ang sakit. Dumudugo yata ang labi ko.
"Shaoran!" napalingon ako sa familiar na boses na tumawag sakin. Si Selina. Nakahawak parin ako sa tagiliran ng labi ko. "Uy!"
"Anung nangyari?" agad nyang kinuha ang panyo niya sa couch. Tapos pinunasan ang dugo sa labi ko. Ang lapit ni Selina. Nakakatuwa ang nararamdaman ko ngayon.
"okay na." ngumiti ako at ngumiti din naman sya. "Ang elegante ng birthday mo! Happy birthday nga pala." Kinuha ko na yung regalo sa bulsa ko. At nilabas. Medyo ngumiti sya at nagtaka, kaya ako na ang nagsuot sa kanya. Inayos nya ang buhok niya.
Habang nilalagay ko... "Ang tagal kong hiniling, na sana mapalapit ako kay Gene Mikael Cullen." kinabahan ako at natapos ko naman ang paglalagay sa kanya ng necklace.
"Lahat ng ito, Gaya ng mga babaeng nagconfess sayo,pinangarap kong maging bf ka." nagkatitigan kami ni Selina. Medyo napatungo ako sa awkward ng scene.
"I'm sorry."
"Hmm..wala kang kasalanan. At least diba kaibigan na kita." naging malungkot ang mukha niya. "Ipapakasal ako ni Lolo sa anak ng katrabaho nya." nagulat ako.
"At katatapos lang syang ipakilala. Pero alam mo napapahanga mo parin ako hanggang ngayon. Kami na ang may party pero nasa iyo lahat ng atensyon. Kahanga hanga ka talaga Shaoran." I fake a smile.
"Sobrang magandang alaala ang magconfess sayo, at mareject...ng tulad mo." umalis naman agad sya pagkatapos. At nagpasalamat.
Ako naman, tulala parin sa kawalan nang biglang labas ni Tin.
"Binasted mo sya?" tumabi sya sakin.
"2 years o 3 years ago yata yun. Hah! Nakakatawa, pero ang isang tulad kong ordinaryo lang naman ay masyadong napapansin at pinagpapantasyahan ng lahat. Madaming nagpapacute, nanlalandi, at nagcoconfess sakin. Kaya wala akong kaibigang lalaki. Galit sila sakin. Kasi paglumapit ako sa kanila, hinihiwalayan daw sila ng mga gf nila." bakit ko ba to sinasabi kay Tin. Haha! :-\
"Lahat ng lalaki nagagalit. Lahat ng babae natutuwa. Nakakasakal, hindi na tuloy ako naging ordinaryo. Pero bilang ordinaryong lalaki, may babae akong kinagugustuhan. Minsan ko syang matingnan....hanggang sa gaya ng ibang mga babae, nagpapapansin at nagpapacute sya. Naturn off ako pero gusto ko parin sya. Ang talino nya kasi, simple, pero maganda. Akala ko iba sya...hanggang magconfess sya. Imbis na matuwa ako..."
"Bakit mo ko gusto?"
"Kasi...perpekto ka! Hinahangaan ng lahat!"
"Anung magandang sa sinabi niya! Sinong matinong tao ang magsasabing may perpektong tao, nobody's perpeft ika nga! At gaya lang sya ng iba....nagustuhan lang din nya ako dahil sa anyong panlabas ko. Sana hindi na lang ako naging Gene Mikael Cullen para kahit papaano napansin ako ni Selina Valdez dahil hindi ganon ang appearance ko. Sana...hindi na lang kagaya ni Selina ang ibang babae. Para hindi ako nawalan ng pag-asa na may tatanggap sakin....bilang sa tunay na ako. Ako na hindi yung lalaking hinahangaan ng lahat, kundi ang ako na iba sa kilala ng lahat."
Hindi ko napansing nakatitig sakin si Tin. At nagsalita naman sya,
"Pero nagbago na si Selina, ang babaeng gusto mo. Ibig sabihin, may tao talagang para sayo." bigla niyang hinigit ang kamay ko at dinala sa loob.
Nagsasayawan na lahat. May mga babae namang nakangiti habang nakatingin sakin. Natakot ako na bigla silang lumapit kaya tumingin ako kay Tin. :o At nakita ko na lamang sya na sinira ang dress niya para gawing above the knee na lang, at inalis nya ang sumbrero niya at naglugay siya. Oo....nakatitig ako kay Tin. Dahil...SOBRANG GANDA NIYA! Sobra...mas maganda pa sya sa kahit na sinong babaeng nandito. Hindi ko akalain na gagawin niya yun. Mukha talaga sya anghel sa mga mukha nyang yan at ang buhok nyang mahaba at makikintab at malalambot. Ang ganda ni Tin ngayong gabi.
"Can I have this dance, my partner?" inabot niya ang kamay niya sakin. Okay baligtad yata ah. Pumwesto naman ako gaya ng mga gentleman na lalaking nagyayaya sa mga babae ng sayaw.
Nagulat naman ako ng biglang ngumiti si Tin. Ang ngiti ng isang ANGHEL, napakatamis ng mga ngiting yun.
Napatigil ang lahat sa pagsasayaw. At nagsayaw kami ni Tin....NG KAMI LANG. Lahat ay nanonood samin. Parang...ibang Tin ang kaharap ko ngayon. Parang kaming mga prinsesa at prinsipe sa palabas. Gusto ko to...gusto ko ang mga ganitong sandali.
"Kirstein..." sobrang lapit ng mukha ko sa kanya. Actually nakaleaned ang noo niya sa noo ko. At ngayon ko lang...naramdaman ang magaan na pakiramdam na'to.
Lahat ay pumalakpak. Hindi ko alam kung bakit...PERO LAHAT NG TAO SA PARTY'NG YUN, NAGUSTUHAN ANG GINAWA NAMIN NI TIN. Nakatitig lang ako sa kanya, may ganito palang part na Tin sa pagkatao ng baliw na Tin na parating maangas. Parang sinaniban lang sya ni Selina.
"Good Job!" napalingon kaming parehas sa babaeng nagsabi nun, si Selina.
"Inaliw nyo lahat ng tao dito." nakalink ang mga kamay niya sa braso nung lalaki. Bagay sila ni Selina, sya siguro ang fiance. :-[
"By the way, Tin. Ginulat mo ako...I thought, mas gugulatin mo ako in diff. ways, mas horrible." parang may kuryenteng nag-uugnay sa mga tingin nina Selina at Tin. ???
"Ahm...Selina, Happy Birthday nga pala uli." dinedma ako at kay Tin parin sya nakatingin. Anu bang meron?
"It's my pleasure, Happy Birthday, my cousin." :o :o :o
ANU DAW!? :o