1 photo a-2.jpg 6 photo f.png 7 photo g.jpg 2 photo b-2.jpg 3 photo c-2.jpg 4 photo d.jpg 5 photo e.jpg  photo h-1.jpg

NAVIGATION

Chapter 16

Ngayong araw na ito din ang birthday ni Selina. Magseseventeen na sya. Mabuti na lamang may naipon akong pera pambili ng necklace na bagay na bagay sa kanya. Mayaman kasi sya kaya di naman siguro nya lalagyan ng malisya ang regalo kong to. Madami naman kasi silang ginto. Pero sana...bigyan niyang importansya ang regalo kong to. Selina.

Tumingin naman ako sa salamin at inayos ang suit ko pati narin ang necktie. Tumingin ako sa oras. 7 na. Nasaan na ba si Tin? ???

Knock.knock.knock.

May biglang kumatok sa may balcony ko kaya binuksan ko naman, baka si Tin na to. Pagbukas ko...




Paa muna...hanggang... :o :o :o

:o



???



:-\



:-[



;D

"Anu ba yang itsura mo!? >:(" nagpose pose pa sya.

"What do you think, ang ganda ko na ba!? 8)" napasama ang mood ko. ANG LAKAS TALAGANG MANG-ASAR NG TIN NA'TO >:(

Sino bang hindi maaasar sa ginawa niya? Okay kasalanan ko na, na pinilit ko sya kahit ayaw niya talaga at talaga palang seryoso syang hindi pa sya nakakaattend ng js ha! Nag-uusok na talaga ako sa asar! Ang itsura kasi niya, BABAENG NAKAITIM NA HABANG HABA NAMAN NG DRESS TAPOS LAKING LAKI NG SUMBRERO HABANG PAGKAKAKAPAL NG EYELINER.

"Tin, party to! Okay? Hindi ko sinabing Halloween!" bigla syang natawa. >:( May nakakatawa ba sa sinabi ko!?

"Huy ang sama mo namang manlait, di nga ako nasa uso pero mahal yan! Worth of 25K ang nagastos ko lahat lahat! Ang mahal palang pumunta sa party na yan! Kaasar ah! Oh bakit masama parin ang tingin mo, pero infernes huh. Galit ka ba nyan, ang GWAPO mo parin! Idol! 8) ;D" adik talaga tong baliw na'to >:(

"Sige nga ilarawan mo ang sarili mo, lahat lahat!"

"Ang hat ko! Na color black ay bumagay sa suot kong nakatyub at mahabang palda hanggang samento, tapos may isang extra pang black gloves. At ang doll shoes na black din ;D okay, isama mo na ang make-up. First time kong gawin lahat to!"

"In short, mukha kang mangkukulam!" tumawa muli sya ng malakas. Talagang pang-asar >:(

"Hindi naman, ikaw naman, 25k kaya nagastos ko. Dapat manghinayang ka pa at wag ka ng mag-inarte porket ang SUPER DOOPER HANDSOME MO! Mukha kang prince!"

"Papuri ba yan o pang-asar. Wala naman akong pake sa itsura mo, kasi kay Selina yun. Sana naman respituhin mo ang birthday niya." okay serious ako.

Nilagpasan niya ako.

"Talagang special sya huh! Tara na late na tayo!" alam kong mahina lang niyang sinabi yun. Pero oo Tin sobrang special si Selina.


Nang makadating naman kami. Talagang namangha ako. Ang laki ng bahay, I mean, mansion yata to. Ang liwanag. Ang yaman talaga ng lolo ni Selina. At talagang napahanga ako na si Selina ang paboritong apo.

Pagpasok namin, napansin ko ang walang ganang si Tin. Basta nalang kasi syang maglakad na parang walang kasama. Anung problema nito. Pero ang talagang nang-agaw ng atensyon ko ay ang paligid ng mansion. Talagang pangmayaman lang ang ganitong event. Nakakamangha, first time kong makakita ng ganito. Siguro buhay prinsesa si Selina sa piling ng lolo niya.

Nawala naman sa paningin ko si Tin ng biglang namatay ang ilaw at nagkameron ng spotlight. Babaeng nasa hagdan, pababa sya, saka ko lang napagtanto na sya si Selina nung halos matulala na ako sa sobrang ganda niya. Mukha syang prinsesa.


*TULALA*

"Ladies and gentlemen, the birthday princess." ang ganda niya, SOBRA. :-[

~>Habang nag-ispeech ang lolo ni Selina at si Selina, nakatulala lang naman si Li sa kanya.

"Ahm Hi!" napalingon ako sa babaeng tumawag yata sakin. Mga babae pala. Tatlo?

Dinedma ko. ;D


"Classmate mo si Selina?"
"Or magkaibigan kayo?"
"Sa school ka ba niya napasok, makalipat na nga lang dun para makita kita lagi." tumawa naman sila ng ganito 'hihihi' nagpapacute ba, yung ganung tipo.

Pero ang mas nakakairita, mas dumami pa yung mga babaeng yun. Halos napalibutan na nga ako eh. >:(

"Anu bang name mo?" kapal ng mukhang hawakan ang mukha ko!

"Oonga! Ang gwapo mo naman!"
"Anu bang lahi mo!?"
"Pwede ko bang makuha ang connection mo?"
"Uy magsalita ka naman!"

Mas dumami pa sila. Halos naagaw ko na ang atensyon ng lahat kaya naman...

"Excuse me!" nakakahiya yun! Nasaan na ba si Tin?

Lumabas ako ng di ko nakita ang presensya ni Tin. Sya lang naman ang may werdong outfit pero di ko sya nakita kaya siguro nandito lang sya sa labas. Naglakad-lakad ako. Nasa garden na ako nang marinig ko ang boses ng isang babae.

"Aray! Buisit naman oh!" at nakita ko ang itim na itim na outfit na si Tin lamang naman.

Agad akong lumapit.

"Anung nangyari?" lumapit naman ako sa kanya. Di sya tumingin at patuloy ng hinahawakan ang paa niyang namamaga.

Umupo ako sa harap niya at kinuha ang paa niya. Ako ang naghilot at hinipan hipan ko yung namumuong sugat. Tapos pinunit ko yung panyo ko para gawing panaklob sa sugat ng paa niya.

"Bakit ka nandito?"
"Para sundan ka!"
"ha! Di ka ba natutuwa dun, halos lahat ng gintong dalaga na sayo tumitingin at sinasamba ka. ::)"

"Pero yung babaeng gusto ko di naman ako napapansin." kinuha niya ang paa niya.

"Ang keso! >:( Sigurado napansin ka nun! Kahit nga pulubi ka kung ganyan ka naman kagwapo mapapansin ka parin ng totoong prinsesa! Perpekto ka eh!" tiningnan ko sya ng masama. Inirapan naman niya ako. Tumabi ako sa kanya.

"Okay kasalanan ko na na ganito ang appearance ko. Masaya ka na! Oo na ang perfect ko sa labas,.......pero di ako masaya. Ayoko nito!.......ayokong mapansin lang ako ng tao dahil sa itsura ko. Ayoko nun." tumingin sya sakin at agad naman akong tumingin sa kanya.


Hanggang sa magkatitigan kami. At....ang tagal. Nakacurved lang ng something ang lips niya. Ang cute ni Tin. At.....di ko mapigilang hindi tumitig sa mga labing yun. Bakit.......thump.thump.thump.

Tumitibok ng ganito ang puso ko.


Sa tagal ng titigan namin. Saka ko na lang napansin na gumagalaw na pala ang katawan ko...gumagalaw sya na parang......GUSTO KONG HALIKAN SI TIN. Di parin nagbabago ang expression ni Tin na mukhang walang pake na ang angas lang ng dating, nang SOBRANG LAPIT KO NA PALA. I'm about to kiss her nang....







"Shaoran!"
HTML Comment Box is loading comments...