1 photo a-2.jpg 6 photo f.png 7 photo g.jpg 2 photo b-2.jpg 3 photo c-2.jpg 4 photo d.jpg 5 photo e.jpg  photo h-1.jpg

NAVIGATION

Chapter 15

"Bakit ka nga ba talaga nagkameron ng sugat dyan sa paa!" paulit-ulit kong tanong sa kanya. Pero hindi naman siya nakikinig. You know, playing playstation.

"Hindi ba't naexplain ko na sayo! Hina mo naman tumanda eh!" at siya pang galit. Hindi ba dapat ako ang magalit sa kadahilanang muntik na siya malunod tapos di pa niya maigalaw paa niya.

"Bakit ka nga pala tinulak ng mga babaeng yun?"

Matagal siyang magreply dahil sa paglalaro niya. Ako naman nakatitig lang sa kanya. Ang totoo, nagiging hobby ko na ata ang pagtitig titig sa kanya. Meron pa eh...di ko lang maisip. At ayokong isipin ang mga ginagawa ko na dati namang hindi. >:( Dahil parang maasar ako sa maiisip ko.

"Hindi mo lang alam, pero araw-a-- Ay mali! Oras-oras may mga bruhiltang nangmamaldita sakin. Isa lang naman ang dialog nila eh. 'Layuan daw kita Cause Gene is for every girls and nobody owns him!'" ginagaya pa ni Tin ang pananalita nung mga babae. Naimamagine ko tuloy. Haha! >:D

"Ganun? Eh bakit hindi ka man lang sumigaw."

"Para anu? Busy si Prof. sa pagsasaway sa mga fans mo. Tapos ang mga lalaki nabalaan ko ng wag na wag lalapit sakin. Tapos ang mga babae...at hayun nga, gagawin lahat ng moves para mapansin mo! Para saan pa! WEK! Di ko tipo ang humingi ng tulong sa iba!" talaga? Paano naman ang pagiging lampa mo. Ako yata ang sumasalo nun! ::)

Eh g'go ka pala Li! Kaw ang t'nga! Bakit mo tinutulungan!? Loko! Lul!

"WAH! Natalo ako! Loko rin tong playstation mo oh! The fvck!" medyo natawa pa siya. English kasi. Ayaw nyan mag-english eh.

Nahiga naman ako sa sofa at nakinig na lang ng music gamit ang headphone. Tapos...




:o :o :o

"Para saan pa, nandyan ka naman..." napamulat ang mata ko. At bumangon.

Tiningnan ko si Tin. Nakahiga siya sa carpet tapos nakapikit. Napagmasdan ko ang suot niya. Nakapants at medyo nakataas yung shirt at kita ang tyan niya. Ang sexy ni Tin. :-[ Ang ganda niya! Toink! Anu bang pinagsasabi ko.

"Uy, hobby mo talagang titigan ako noh!" biglang nagbukas ang mata niya at binato niya yung joystick sa mukha ko.

"Lagi naman ah! Bakit ngayon ka lang nagreklamo!- Oy mahal yan!" baliw na'to. Siya na nga ang makikigamit tapos siya pang maninira!

"Ayoko ng tinititigan ako kapag nakatalikod ako!" nakatalikod ba siya? Ah Li, sense okay!? Common sense!

"Gusto ko ng tempura!" bumangon ako sa pagkakahiga ko.

"Bibili ako? Mahal ang sea foods!"

"Heto ang account ko! Sige na, hati hati naman tayo ng Papa mo dyan!" napatingin ako sa atm niya. Kaya pala pagnagshashopping kami, yan ang lagi niyang gamit. Pera niya? ???

"Anak ka ba ng anu Tin? Di yata nauubos pera mo ah."

"Syempre anak ako ng tao. Bakit gusto mo magkalahi kami ng pinsan mo?!" nakapikit parin siya.

"Okay lang ba?"

"Malaki na yata ang gastusin niyo sakin eh. Atsaka okay lang yan, parang basura lang naman ang pera kapag pagkain ang pinag-uusapan." nagmulat ang mata niya. "At dapat, sarapan mo ang luto! Hehe!" at tumulog uli.

Hayy...ang baliw na yun. Totopakin yata ako kapag yun ang kasama ko ah. Parang nightmare, sa talambuhay ko. Kahit na kailan di ko pinangarap na magkamerong ng isang buhay na kasama siya. Di ko narin marecall kung saan nagsimula ang lahat oh!.,tsk!tsk!

At ngayon talaga, utos-utusan lang ako dahil sa kanya. Ni wala nga akong alam na kahit anu sa pagkatao niya. ??? Di naman kaya sindikato ang mga magulang niya? Kaya yata ganun siya kaangas?! Hala! Di naman siguro.

"Okay na kaya tong napamili ko?"

Naglalakad na ako pauwi sa bahay. Baka din kasi naghihintay ang babaeng yun.
Pagdating ko naman sa bahay, dumiretso agad ako sa kusina. Tapos nakita ko naman si Tin na nag-eenjoy paring naglalaro. And this time race naman ang nilalaro niya. Ang seryoso niyang maglaro. Bumalik na uli ako sa kusina. Tapos...

"Wah!"

"Wag ka ngang sumigaw! Nakakadistract ka eh!"
"Kanina ka pa nandito...hindi mo man lang tiningnan..."

"Ang alin b--- WAH PANALO MULI AKO! 1 min lang yun ah!!! Ahahahahahah!!!" ang babaeng to talaga oh. >:(

"Sira ang rice cooker!"

"Haha!" sinubukang akong hampasin ni Tin pero nasambot ko naman ang kamay niya.

"Ang cute mo pala paggutom noh!" naglalakad kami patungo sa pinakamalapit na restaurant. Tapos nakaharap ako sa kanya habang naglalakad. Nakayuko naman siya habang tumitingin sakin ng masama.


"May mga nakatingin sating fans mo!" napatingin ako sa paligid. Mga estudyante. Nakatingin naman sa kamay ko si Tin ng masama.

"Anu?!"
"Grrr~"

Magkahawak parin pala ang kamay namin. Mali pala...hawak ko parin pala ang kamay niya. Binitawan ko naman agad at tumingin sa dinadaanan ko. Naramdaman ko naman na medyo nag-init ang pisngi ko. Nakakahiya yun. T'nga! T'nga Li!

"Dito na lang ba?" umoo naman ako at pumasok agad-

"Diba dito tayo unang nagkita? Itong restaurant na'to yung pinagpapart-time job mo? May mga babaeng..." ngumiti naman ako.

"Kahit na masama ang alaala ko dito. Dito naman kita unang nakilala, atsaka..." dito malimit pumunta si Selina nung highschool pa kami.

"Tara na gutom na ako!"


Pumasok naman agad kami...

"SHAORAN." napalingon kaming parehas. Nandito pala si Selina kaya sa table nalang niya kami umupo.


Diniscuss ni Selina ang about sa birthday niya. Talaga palang hindi pangkaraniwang birthday party ang magaganap. Ang lolo kasi niya ang mag-aasikaso sa lahat ng gastos. Mayaman kasi ang lolo niya at paboritong anak si Selina.

"Gusto ko ring makita si Tin na nakasuot ng formal dress." napatigil siya sa pagkain ang sumeryoso.

"Talaga palang close kayo. Pero bakit kailangan ko pang sumabit dyan? Sigurado sosyalan lang yan." ang sungit talaga nito.

"Tin!"

"Hindi naman kailangang maging sosyal. Parang normal na party lang to na kailangang nakaformal." ang understanding talaga nitong si Selina.

"Hindi ako umattend ng JS nun eh." sumubo naman sya ng chicken wing.

"Ihm, :) Inaasahan ko parin kayo. Sige I have to go na, bye!" ngumiti naman ako.

Pagtingin ko sa food ko. Iisa na lang chicken, wing pa! Pagtingin ko kay Tin, nasa bunganga niya.

"Bakit mo kinain!" >:(

"Busog ka na! Kaya pala dito huh..." tapos inirapan niya ako.




??? Anu bang problema nito? >:(
HTML Comment Box is loading comments...