Buti naman at hindi kami sabay ng pasok ni Tin. At sa magandang simula ng araw ko, hindi ako late! Yeah men! Mabuti! Pero mga 11 magkakameron kami ng swim time. Kasali yun sa p.e. time. Kaya eto papunta na sa unang klase.
"Morning!" may biglang naggreet sakin. Syempre lingon naman ako, kilala ko yung boses eh.
Nauna akong pumasok, di naman kasi ako gentleman.
"Sayo din, Selina." at kaklase ko nga pala si Selina ngayon. Ang ganda ng araw na'to!
Naupo naman ako. Tapos una kong napansin ang ground sa labas, nasa 3rd floor kasi ako. Ang daming estudyante sa labas? Bakit kay? Dumating naman si prof.
Habang nagsusulat ako sa note. Bigla namang pumasok sa isip ko si Tin. Naisip ko kung bakit parin niya nasabi ang mga yun.. ganito kasi ang nangyari...
Matapos niyang higitin ang kamay ko palabas sa bahay. Medyo nakalayo na kami. At hawak-hawak parin niya kamay ko. Ako naman walang imik. Kahit sarili ko di ko naintindihan kung bakit di ako nakaimik. Tumigil naman kami sa playground. Umupo siya sa duyan atsaka lang niya binitawan ang kamay ko. Nakatayo ako habang tinitingnan sya. ???
"Anu! >:("
"Akala ko di ka na magsasalita eh." naupo ako sa tabi ng duyan niya.
"Bakit ako ang hinigit mo?"
"G@go! Ang slow mo! Syempre para bigyang linaw ang t@ngahin kong bestfriend, t@nga siya kasi di siya pumatol sa tao! Hmpf!" ang babaeng to. Lakas talaga mang-asar.
"Natatakot kang masaktan muli si Karyl?"
"Ke pangit-pangit ng unggoy na yun. Eh wala pa ata yung lahi eh...g@go rin ako kung sasabihin kong playboy yun, eh timo naman itsura! Mukha palang manggag@go na!" galit talaga siya kay Derik.
"Di ganyan ang pagkakakilala ko kay Derik. Kahit playboy siya, hindi naman niya intensyong manakit ng mga babae. Matino naman si Karyl, and I thought, natuto na siya nung una." sana makatulong tong sinasabi ko. Nakakatakot kasi pagnagagalit sya. Ugh!
"Kung totoo yan, wala parin akong pake. Ayoko lang na masasaktan si Karyl, dahil kapag! Ako na mismo ang susuntok sa pinsan mong ulol!"
Ang babaeng baliw na yun, ang pagiging seryoso niya minsan ay di ko maintindihan. Ang brutal niyang masyado. Sigh.
Nang matapos ang klase ko. Syempre nagpaalam kami sa isa't-isa ni Selina. Tapos sunod na klase na. At...p.e.
Sinuot ko yung tranks ko tapos sumunod nadin sa iba kong mga kaklase. Pagkalabas ko, may napansin akong hindi ko nagustuhan. >:( Ang dami kasing mga babae na galing sa ibang dept. ang nakapalibot sa pool. Nasa bench sila. Magsuswimming lesson lang naman kami at hindi magpapasikat...pero sa nakikita ko. Parang lahat sila manonood ng theater sa asta pa lang nila.
"Hayan na naman ang club niya."
"Talagang nagmamayabang siya huh. Palagi siyang nagpapasikat sa mga babae dito."
"Nakakaasar na huh. Akala mo naman siya lang ang lalaki dito."
Napalingon ako sa tatlong lalaki sa may likuran ko na nagbubulungan. Sinamaan ako ng tingin nung isa. ???
"Tara na nga magpraktice! Ang sama ng hangin dito."
Siguro ako na naman ang masamang tinutukoy nila. Group-group nga pala ngayon, sigurado wala akong kagrupo. Okay na siguro to, iwas sa gulo.
"Okay! Ready na lahat.!" pumwesto naman ako. Hindi na nagulat si Prof dahil nag-iisa ako.
Sinuot ko goggles ko. Tapos nagready narin. Pero medyo nagtagal dahil sa pagsasaway ni Prof. sa mga kaklase kong babae.
"Siya na naman ang dahilan!"
"Troublemaker talaga! Kaasar, tol!"
Napalingon ako kay prof.
"Dun nga kayo! Susunod pa kayo..."
"Ang gwapo ni Gene,"
"Ang hot niya."
"Bagay talaga sa kaniya ang suot niya."
"Ohmygosh! Sana laging ganito ang p.e.!!"
"Tara picturan natin sya!!!"
Medyo nagbago ang mood ko. Nalulungkot ako na nagagalit. Pumito naman si prof. Pero parang bang naging slow ang lahat sa paningin ko. Unang-una ang pagbubulungan ng lahat. Ang galit ng mga boys sakin. Ang walang sawang pang-iistorbo ng mga babae sa campus. Ang pagiging troublemaker ko. Ang pag-iisip ng lahat ng masama sakin. At higit sa lahat...ang hindi ko kagustuhan nito. :-\
"Sh!t" sabi ko habang nakataklob ang braso ko sa mga mata ko. Nandito ako ngayon sa rooftop.
"Umiiyak ka?" may nagpoke sa malapit sa mata ko.
Umayos agad ako ng tayo. At agad na lumingon sa babaeng nakabend ang knee habang nakaturo sakin ang hintuturong dumampi sa mukha ko kanina.
"Selina?"
"Inaantok ka lang pala." nahuli niya na lumuha ang mata ko? Hmm.. I guess hindi ko napigilan sarili ko sa sobrang kasawaan na sa image ko. Ayoko ng namimisundestood ng lahat.
"Can I sit beside you?" tinuro niya tabi ko. I nod.
"Tapos na ang klase mo?"
"Hmm.. breaktime lang. 45 mins."
"Ang galing. 15 naman ang akin. At least makakabonding kita." napatingin ako sa kanya.
Ang gaan talaga ng pakiramdam ko pagkasama ko si Selina. Pakiramdam ko.. parang safe ako. Na walang taong nakatingin. Na parang sa kanya lang tumitigil ang oras ko.
"Here!"
Napatingin ako. May inabot siyang card. ???
"Remember. Magbibirthday na ako, this coming week." tinanggap ko yung invitation card.
"Dalwa?" ??? Nagsmile naman siya.
"Wala naman akong kaibigan dito sa campus diba?" oo wala. At wala akong balak magkameron, dahil lahat yata ng tao dito, galit at pinaplastik ako. 8)
"Your One of the boys ,Tin." she smiled sweetly. :)
Yeah. Yeah. Popular rin siya, as a warfreak. Palagi kasi siyang nambubugbog ng mga lalaking nakakabangga niya dito sa campus. Takot lahat ng lalaki sa kanya. Siga kasi. Tapos ang mga babae snob lang sa kanya. Parang parehas kami noh...pero siya hindi namimisundertood gaya ko. Masyadong nakakasakal ang image ko. >:(
"Madami namang siguro pagkain sa party mo noh."
"Alam mo ang gusto niya?."
"Sabi mo nga, my one of the boys."
Sinabi ko bang...MY?