"WAG NA WAG KANG LALAPIT!" :o
Naririndi na ako dito sa kwarto ko. Pang-ilang beses na bang sinigaw ng baliw na'to ang mga salitang yun. Nakakarindi ang boses niya. Nalaman niya kasi na nagdedate nga kanina sina Derik at Karyl. Kaya siya, nagkakaganyan. Pinsan ko si Derik.. at.. playboy si Derik. 8)
"Sigurado ka ba Karyl na dinedate mo ang mukhang unggoy na yun!" tinuro niya si Derik.
"Uy tol, ang girlfriend mo huh. Nakakairita na.. unggoy? 50 girls na ang napasagot ko na gwapo ako!"
"WALA AKONG PAKE!!!"
Magkakaeye bag ako dito. Nasaan ba ang headphone ko.. masisira ang eardrums ko dito eh. Masisira ang kabataan ko dito. At magkakawrinkles na ako. ;D
"HOY WALA NAMAN KAMING GINAGAWANG MASAMA NOH!!!"
"YELLOW MONKEY!!!"
Basta nakita ko na lamang na sinipa niya si Derik sa mukha. Tapos bumaligtad siya sa pader. Nakakaawa.. ang mokong na'to. Di niya naintindihan na bakulaw ang kinakalaban niya. Biglang inuga-uga ni Tin ang kwelyo ni Derik. Nakikita ko na ang malapit na pagkamatay ng pinsan ko. Oo tama, pinsan ko siya. Ang playboy na'to pinili pang si Karyl ang paglaruan. Patay ka ngayon sa bakulaw na yan.. ;D
"Gene!"
Napatingin ako sa babaeng nakangiti sa harap ko. Ang lapit ni Karyl sa mukha ko :-[
*BOOOGSH*
"ARAY!?" may biglang nambato ng digital clock sa mukha ko. Aray huh.. ang babaeng yun na naman. >:(
"Bakit mo ginawa sakin yun?"
"WAG KANG MAKALAPIT NG GANON KAY KARYL!"
"Hindi naman ako ang lumapit--" ungentleman talaga ako.
Napairap na lang ako at nilimot ang digital clock ko pati inalis ko narin ang headphone sa tenga ko. Buti nalang at hindi nasira, mahal yata ang digital clock. --> okey, kuripot po si Li! ;D
"Pasensya ka na Shaoran, pinagselos ko ata si Tin."
"seLOS!!?" sabay naming sinabi ni Tin na hanggang ngayon ganon parin ang posisyon nila ng pinsank ko.
Naaawa ako sa pinsan ko, alam ko ang pakiramdam na mabugbog sarado. Sigh.
"Wala sa character ko yun Karyl, alam mo yun."
Binitawan niya bigla si Derik. Syempre kawawa naman ang pinsan ko. Ang binagsakan ba naman ng ulo niya ay sahig, oh diba masakit nga yun. ::)
"Pero bf mo siya, at bilang isang babae, dapat matutunan mong maramdaman yun Kirstein." ay hanggang ngayon pa ba Karyl, iniisip mong KAMI at MAGSESELOS yang si Tin. ;D In your dreams.
"Kailangan pa ba yun?" nagkamot siya ng ulo.
"MAGJOWA KAYO INSAN NG HALIMAW NA'TO!!?"
"ANU KAMOOO~" >:D
Hindi ko alam kung paano, pero just now.. parang nakita ko si Tin na nagtaasan ang mga buhok, yung parang mangkukulam sa anime kapag nagagalit. Ganon din kasi ang pakiramdam ko nung sinabihan ko siyang jologs at tomboy.. at baliw. Nag-eevolve siya. Nakakatakot. :o
At yun, sa kadaldalan ng pinsan ko bumaliktad na naman siya sa pader. Tsk.tsk.
"Oo naman Kirstein. Ang pagseselos ang magpapatunay na mahal mo siya.."
Biglang tumingin sakin si Karyl, ngumiti nga siya pero nangingilabot parin ako sa pinagsasabi niya.
"Ok ka na ba? AT BAKIT MO NAISIPANG MAKIPAGDATE SA MUKHANG UNGGOY NA YAN!!!"
"Ha--" hindi natuloy ni Derik ang sinabi niya nung tiningnan siya ng masama ni Tin.
May sumpa ang baliw na'to. Tingin palang nakakatakot na, pamatay tao.
"Mabait naman si Derik eh." nagngitian sina Derik at Karyl,
"Nakipagbreak na ako ng tuluyan kay Ricky." ang lungkot ng mukha ni Karyl. :-\
"Natagpuan naman ako ni Derik sa daan na umiiyak. Muntik pa nga akong masagasaan." she faked a smile kaya medyo nainis si Tin.
"Sabi niya magdate nalang kami." tiningnan ng masama ni Tin si Derik, nakakatakot ang babaeng to.
"Masaya ako kay Derik, pwede bang payagan mo akong makipagdate sa unggoy na'to. Gusto kong makalimot."
Hindi na napigilan ni Tin ang inis. Halata naman sa mukha niyang nagagalit siya sa sinasabi ni Karyl. Kahit ako.. bakit ang isang matinong babae nakikipagdate sa playboy? Paano kung mafall siya.. ::)
"Wala akong magagawa kung ang isa senyo eh mahulog. Alam mo naman Karyl.. ang mga lalaki-" hindi niya tinuloy.
Lumapit siya ng mabilis papunta samin habang sinasabi to.
"TARA NA NGA! NAAASAR AKOO~"
:o :o :o 8)
Akala ko.. si Karyl ang kailangan niya. Basta.. natagpuan ko na lamang..
NA AKO ANG HINIGIT NIYA. Ako ang hawak-hawak niya sa kamay.