"Ang cute nung guy diba!"
"Ang gwapo-gwapo niya! Anu kayang name niya!?"
"Gusto kong kunin ang no. niya!"
"WaaAaaHh!!"
Ang ingay. Ang mga babaeng yun. Hindi ba sila titigil sa kakatili. Nakakairita na! Lagi na lang ganito. 2 araw pa lang ako dito pero naiirita na ako! >:(
"Miss anu bang order ninyo?"
"Nasaan yung cute na guy! Yung gwapo!"
"Gusto namin siya ang magserve!!!"
"Hindi nga pwede si Gene-"
"Waaah! Gene pala name niya!!!"
*Blag*
"Anu ba yun."
Isa-isa silang tumingin sakin..
"WaaaH! Lumabas ka na!-"
"KUNG HINDI KAYO KAKAIN, UMALIS NA KAYO!"
Sinigawan ko sila. Di man lang ba sila marunong mahiya. Kababaeng tao..
"Anung nangyayari!?"
Sinamaan ko siya ng tingin. Kasalanan niya to. Hindi ba siya nahihiya na hindi naman dahil sa luto niya pumupunta ang mga babaeng to! Gawa ko.. kung di niya dinisplay ang picture ko sa salamin ng resto niya. Akala siguro ng mga babaeng to na ang kinakain nga nila ay luto ko.
Nakakahiya. Nakakahiya talaga ang lugar na'to.
"I quit! Hindi ko na kaya pang makipagplastikan sa lahat!"
Hinubad ko ang suot kong apron.
Hindi na ako lumingon pa kahit na naririnig ko ang mapagsamantalang matandang yun na sumisigaw sa kakatawag sakin.
Pang-ilan na bang partime job yun na sa huli inayawan ko rin naman dahil sa mga mapagsamantala kong boss. Anu bang mapapala nila kung ganito ang mukha ko. Hindi naman itsura ang tinitingnan dito.. gusto ko pansinin ako na lahat hindi sa mukha ko.. Kundi sa kakayahan ko. Mga babae.. pare-parehas sila. Hindi ko sila maintindihan.
*Blag*
"Ah!,"
Napaupo siya sa lakas ng pagkakabundol niya sakin. At eto naman ako sa sobrang kabadtripan, natingnan siya ng masama. Nagkatinginan kami.
"Karyl! Tara na, anu ba!!"
Karyl ba ang pangalan ng babaeng to. Medyo di na niya pinansin ang pagtingin ko sa kanya ng masama. Gagalaw na sana ako para tulungan siyang tumayo-
"WAG MO SIYANG HAHAWAKAN!" hinampas niya ang kamay ko.
Isang babaeng nakacap. Ok, di ko sinasadya yun. I have no intention to hurt her friend.
"So-"
"GENE!"
May biglang sumigaw. Naagaw ang atensyon naming tatlo. Lilingon pa lang sana ako.. pero agad siyang pumulupot sa braso ko. Automatic ko naman siyang tinulak. Hindi ko sinasadyang malaksan. Napatingin ako sa kanya ng masama dahil sa inasta niya. Sino ba siya? Sandali, isa siya sa mga babaeng tumitili kanina diba? Bakit.. niya ginagawa yun.
"Di kita kilala. I'm so-" nagteary eye na siya. Hanggang sa tuluyan na siyang umiyak. Hindi ko alam ang gagawin ko.
"Ok ka lang ba Karyl?"
"Yung babae."
"Bakit mo ba ginawa yun. Bastos ka ah!-- Miss?"
Pati ba naman dito. Palagi na lang akong napapahamak kapag dahil sa babae! Pahamak talaga ang mga babaeng to! >:(
"Bakit Gene! Anu bang ginawa ko.."
Tumingin ng masama yung babaeng nakacap. Ako naman syempre lumaban,
"Di kita kilala Miss."
"Ganan mo ba itanggi ang gf mo!?"
Gf? Kailan pa ako nagkainterest sa babae! >:(
"Hindi ko naman talaga siya kilala."
Di pa ako kabadtrip sa kanila para manigaw ako. Nag-aalala lang talaga ako. Paano ko ba talaga mapuprove ang sarili ko sa palagiang sitwasyon, tulad nito?
Mas lalong dumadami ang mga tao.
"Isa pa! At makakatikim ka na sakin!"
Galit na talaga siya. Hindi nila talaga ako naiintindihan.
"Miss, magsalita ka naman."
Hanggang sa.. naramdaman ko na lang na nakaupo na ako sa sahig. Hinawakan ko ang bigbig ko, may dugo. Sinipa niya ako sa mukha?
"Ang yabang mo ba! Anu bang akala mo sa mga babae!? Ang mga babae, Ginagalang!, HINDI BINABASTOS!!!"
Nanggigigil ang mga kamay niya sa galit. Anu na naman bang nagawa ko at mukhang lagi na lang akong masama sa mga mata ng mga babaeng to? Bakit niya ako sinipa? Sinasabi ko naman ang totoo diba.
Napahawak muli ako sa sugat ko na nilagyan ko lang ng bandage para di magduda si Papa pag-uwi ko.
"Ang sakit nun."
Pumasok na naman sakin yung itsura nuna babae habang nakatayo siya matapos niya akong sipain.
Hinahangin yung mahabang malambot niyang buhok. Ang bango niya. Yung buhok niya hanggang bewang, ang kintab. Ang tangkad niya na parang model. Hindi ko agad napansin ang mukha niya. Akala ko tomboy. Parang siyang diwata, nakuu.. paparusahin na ako ng mga anghel nito. Napakaganda ng Angel kicker na yun.
Sumakay na akong bike at umuwi na. Nadatnan ko naman dun sh Papa. Tulad parin ng kahapon, ayos lang yung costumer namin kahit puro matatanda yung pumupunta. Sinadya kasi yun ni Papa since puro gulo ang dala ng kabataan.. mga kababaihan.
"Anung nangyari sa mukha mo?"
Napansin parin niya. Ngumiti ako. :)
"Natutulog po kasi ako habang nagbabike e."
Ang tang* naman ng excuse kong yun.Naniwala naman siya. Kung saan-saan kasi rin ako nakakatulog. Pero kadalasan nangyayari talaga sakin yun..
"Nakakapagod!" umunat ako.
Binuksan ko pinto ng kwarto ko. Kukunin ko palang ang damit ko nang mapansin kong bukas ang pinto ng balcony ko? ???
Pinuntahan ko yun. Baka nakalimutan ko lang saraduhin kanina. Pero nung tumingin ako sa taas. Ang pinto ng balcony ng isang apartment ng isang building ay bukas. At may naiwan pang pares ng tsinelas dito. Kung bababa ka dun.. panigurado kong sa balcony ko ikaw lalaglag.
Pumasok ako sa kwarto ko. Isa-isa kong chineck ang mga mahahalaga kong gamit pero wala naman akong nawawalang gamit. Baka masyado lang akong nag-iisip.
Biglang may nahulog.. napatingin ako. Isang paa??? :o
Lumapit ako. ???
Dahan-dahan kong inalis ang kumot. At..
"Hmm.. Elizabeth.. ang pagkain.. ko.."
Tinitigan kong mabuti. Ang babaeng to?
:o
???
::)
:)
Mukha talaga siyang anghel..
:o
Biglang.. dumilat ang mga mata niya..