1 photo a-2.jpg 6 photo f.png 7 photo g.jpg 2 photo b-2.jpg 3 photo c-2.jpg 4 photo d.jpg 5 photo e.jpg  photo h-1.jpg

NAVIGATION

EPILOGUE

THE HAPPY ENDING



“Courtney Carey promoting her new album—“ pinatay ko na ang tv.

Ang daming nangyari. At ngayon simula na ng summer break. Pupunta ako ngayon sa labas, bibili lang ng konting ingredients na kakailanganin ni Papa.

Pabalik na ako ng bahay. Nung madaanan kong muli ang tulay na yun. Tumigil ako saglit.

Ang daming nangyari sa lugar na’to. 2 buwan narin ang nakakalipas.

“Sandali, si.. diba artista yun?” napansin ko naman yung mga tao sa paligid na nagbubulungan. May itim na sasakyan ang tumigil sa harap ko. Na medyo malayo sakin. ???

At sa laking gulat ko. Muntik pa akong maout of balance sa sarili kong bike.

“Miss CC?” bakit nandito siya ngayon? ???

“Hanggang ngayon ba bumabalik ka parin sa lugar na’to?” patuloy parin sa pagbubulungan yung ibang tao. “Get inside the car.” Medyo nagtaka ako sa sinabi niya. Pero sinunod ko narin siya.

Nung nasa loob kami ng kotse. Hindi siya umiimik. Hanggang sa pag-alis naming sa tulau na yun, madami paring taong nakatingin samin. Yung iba halos habulin na ang kotse naming. Iniisip siguro nila isa yun sa mga eksena sa TV. Pero hindi naman ako artista.

Tumigil kami ni Miss CC sa isang private restaurant. Umorder siya ng mga pagkain. Kumain siya. Pero di parin siya nagsasalita.

“Kumain ka.” Gusto kong itanong kung bakit ako nandito. “Pupunta akong France this week.” This time nakatingin na siya sakin. Sa mga mata ko lamang.

“Goodluck.” Ngumiti ako. At pagkasabi ko nun, sumama ang tingin niya ???

“So sinasabi mong wala kang pakealam! Alam mo bang 5 buwan akong mahigit dun! Hanggang ngayon ba siya parin ang iniisip mo. Sa tingin mo ba babalik pa si Tin. Halos 3 buwan narin siyang wala dito simula ng iwan ka niya. Tapos siya parin ang iniisip mo. Hindi mo ba naiisip na siguro it’s time for you to move on.” Halos sumigaw na siya. Uminom siya ng wine.

“Hindi sa wala akong pake. Natutuwa talaga ako Miss CC sa mga nangyayari sa buhay mo. Diba ito naman ang gusto mo?” ngumiti ulit ako. Undecided naman yung look niya :-\

“Kung uupo ka lang at walang gagawin, walang mangyayari.” Tumayo siya.




“Pagbalik ko sa Pinas at hindi parin nagiging kayo ni Tin,





Pakakasalan mo ako!” nanigas naman ako sa sinabi niya. Paglingon ko naman. Wala na siya.

..At medyo natawa naman ako. Napakachildish talaga niya kung minsan.


Umuwi naman na din ako pagkatapos. Sarado ang restaurant namin. Wala din dito sina mama at papa. Umalis siguro sila at pumunta kina lola.

Pumunta naman ako sa kwarto ko. Binuksan ko yung pinto ng balcony ko. Nagulat naman ako nung may tumunog. Baka may nasagi ako. Tumingin naman ako sa kanan. Sa ibaba. Sa kaliwa. At… :o ang..

Agad akong pumasok sa loob.

thump.thump.thump.thump.

Totoo ba tong nakikita ko? :-[

Nakangiti siya..

At bukas na din yung pinto ng balcony niya.. Ibig sabihin, thump.thump.thump. :-[


“Ano!?” niyakap ko siya. “Kanina pa ako naghihintay dyan sa pinto niyo pero sarado naman. Nalate ba ako ng uwi? Ano naglalakwatsa ka ba!? Buti na lang naisip kong pumasok muli sa apartment ko at tumalon dyan sa balcony mo..” niyakap din niya ako. Thump.thump..




“..gaya nung dati.” Tinulak ko siya.

Buti na lang at kama ang nasa likod niya.

Medyo napakalakas ang pagkakatulak ko sa kanya kaya nagsorry ako. Lumayo ako sa kanya. Tumungo ako habang nakahawak sa ulo ko.

“Hanggang.. kalian ka dito? May nakalimutan ka ba? O namimiss mo na ang luto ko?” arghh! Bakit ito ang sinasabi ko. Sigurado ako. Na.. dito siya unang pumunta pagbalik niya dito sa Pinas.

Bigla namang lumakas at bumilis ang tibok ng puso ko nung maramdamang papalapit siya. At hawak na niya ang mukha ko.

Nakangiti siya.

“This time, hindi yun ang dahilan kung bakit ako bumalik..” nilayo ko siya.

“Pero aalis ka uli. Kaya bakit—“

“PATAPUSIN MO MUNA KASI AKO!” :o nagulat ako nung sumigaw siya.Matagal narin niyang hindi ginagawa yun.

“Bumalik ako dahil SAYO!!!” nigrab niya yung t-shirt ko.

“TIN! ANO BA! Sumosobra ka naman yata. Nung una dahil sabi mo namimiss mo na yung luto ko at may gusto kang ayusin kaya ka bumalik ng pinas.” Hawak ko ang t-shirt ko para di niya ako mahigit. “This time, hindi na ako magpapakahinahon. Magagalit na talaga ako sayo!!!” binitawan niya ako.

Paranh akong tinusok ng mga karayom nung sinabi ko yun.

At mas lalo akong nasaktan nung.. Makita siyang tumayo.

“Sige! Babalik ako ng Canada, pero dapat gawin ko muna to!!!” nagulat ako nung lumuhod siya at--- :-*




1..2..3..








:-*

“HM! Diba gusto mo yan! Gusto ko rin yun! At ngayon pwede na ba akong umalis!!!





Eh ayoko e! HINDI NA AKO AALIS KASI NAGUSTUHAN KO NA YUN! NAGUSTUHAN NA KITA!” tapos sinipa nya ako sa tyan.


“ARAY!!! Bakit mo naman ako sini—“ nakaside view siya at.. :o Pffft—namumula! ::)







“Pangako.. hindi na ako aalis. Di na kita iiwan. At pangako. Magiging mabuti akong bf. At this time.. hindi lang sa mga sandaling to. Habang buhay na..” Namumula talaga siya! Ahaha—

Sandali..




“BF!? As in bestfriend!” she grinned. ???

“BWAHAHAHAHA! Diba nga bakla ka! Goodnight girlfriend! Tulog na ako! Pagod ako sa byahe!”




“HOY!!” Miss CC. May masasabi ka pa ba? Mukhang. Di yata kita mapapakasalan.
HTML Comment Box is loading comments...