Niyakap niya ako ng mahigpit. Sobrang higpit. Okay lang ba'to. Ramdam na ramdam ko siya. Ang init sa pakiramdam. Ang lakas ng kabog ng puso ko.
"f-First time ko kasi.. sumakay sa ganito."
Mas humigpit ang yakap niya sakin. Siguro kung totoong kami.- AISH anu bang sinasabi ko.
"YUUU~ That's the best Experience I've ever had!" sabi niya pagkababa sa motor.
"Talaga palang magkaiba ang car racing sa motor noh. Nakakatakot man kasi may trauma ako pero ang saya parin."
Inalis ko na ang Helmet ko. Napatingin naman ako sa kanya. Nakatulala parin siya. Napaisip tuloy ako. Seryoso ba siya na hindi pa niya nagagawa yun? Car racing? Talagan magkaiba yun. Trauma? Paanong nagkatrauma siya? Di bagay sa character niya. ???
"Hanggang ngayon nanginginig parin ang mga kamay ko oh."
Saka ko napansing tama nga siya. Nanginginig ang mga kamay niya sa takot?
Lumapit agad ako sa kanya. Tulala parin siya kaya ako na lang ang mag-aalis ng helmet. Di ko pa man naalis.. nararamdaman ko na ang takot na nararamdaman niya. Dahan-dahan kong inalis ang helmet.
"Kung ganon. Bakit ka pumayag na sumakay? Dapat nagcommute na lang tayo." umayos na siya.
"Hayy.. gusto ko kasing labanan ang takot ko." tumingin siya sakin.
Parang hindi siya to ah. Napatigil siya. Nakatingin siya sa likod ko kaya napalingon narin ako. ???
"Hi Tin!!!"
Magkasintahang magboyfriend. Yun yung babaeng kasakasama niya nung unang araw ng nagbangga kami. Yung bang bestfriend na tinutukoy niya?
"Siya ba ang bf mo Tin? Musta Pare!"
"Ah. Gene Michael Cullen nga pala."
Napatigil ang magkasintahang yun sa nasabi ko. Masyado ko atang inagaw ang mood.
"Gene? Yung hearthrob ba ka-"
"Baka naman magkapangalan lang, Ricky." hinarangan ako ni Tin.
Ricky ang name nung bf ng bestfriend niya. Bakit masyado naman siyang harsh, di pa nga siya nakakabati dun sa dalawa. Nagbago ata ang mood nito?
"Hi, Gene! Karyl Rivera nga pala. What a coincidence. Ikaw ba yung nakabangga nami nung-"
"Hindi ah Karyl. Hindi ata ako magkakagusto sa ganung lalaki." nagkatinginan kami ng masama.
Di pala nagbago ang mood niya. Nang-iinis parin eh.Hindi rin nagtagal at umalis na kami. May dalang 4 na ticket yung Ricky para sa carnival. Talagang double date pala. Napansin ko ring madaming tao sa carnival.. puro estudyante pa. Problema ata to ah. Kaya tuloy tungo ako ng tungo dito.
"Akala ko hearthrob na rin ako eh. Yun pala yung gwapong nasa likod ko ang nililingon ng mga babaeng to."
Ako ata ang pinagsasabihan ng Ricky'ng to. Bakit ba kasi sumali-sali pa ako sa gulo ng babaeng to. Kaasar ang daming estudyanteng babae.. baka mapahamak na naman akn nito.
:o :o ???
Napalingon ako kay Tin. Bigla niya kasing sinoot sakin ang sumbrero niya. Nakalugay na muli siya. Mas maganda talaga siya paglabas ang buhok niya. Binaba ko ang cup niya.. nakakaloko talaga ang babaeng to. :)
"Kain muna tayo ah!"
Sinundan naman namin siya.
"Pre.. magsalita ka naman tungkol senyo ni Tin. Gaano katagal mo siya niligawan?" napalingon ako kay Tin.
??? Nilalaro lang niya ang pagkain. Aba't himala. Hindi niya nagustuhan ang pagkain. Eh kung lumamon to samin daig pa ang baboy. Tsk.
"Ma-"
"Ako ang nanligaw sa kanya."
Napatingin kaming tatlo sa kanya. At kay Ricky lang siya nakatingin. Ang seryoso.
"Wow?!! Galing ah? Talaga bang si Tin ang tipo mo. Yes, she's beautiful. Pero.." he looks at Tin's outfit. "Di ka ba naiilang.."
"Hindi! Kaya nga niya ako sinagot dahil mahal namin isa't-isa diba!?"
Anu na bang nangyayari? Di ko na nangunguya ang kinakain ko dahil sa mga kasinungalingan ng baliw na'to.
"Atsaka tol.. nililigawan ko naman si Tin araw-araw eh. Di-BA!?" nagkasulyapan kami. At nagkairipan din kami sa isa't-isa.
"What a nice love story. Pero.. cr muna ako. Pardon."
Tumayo na siya papaalis. Di ko na naramdaman ang totoong pinunta ko dito ah? Kay papa lang naman kami magpapanggap diba? At bakit dapat din naman magpanggap dito? Aish~ Naiinis talaga ako sa babaeng to. >:(
"Wala pa pala tayong drinks noh. Bili muna ako, sige Karyl." nginitian niya si Karyl. Pero ako.. di niya pinansin.
Ganyan ba siya umasta pag naging boyfriend niya ako! Grr.. Aish! As if I care! Di ko naman siya magugustuhan! >:(
"Nagseselos ka ba?"
Muntik ko ng iluwa ang fries na kanina ko pang nilalaro sa nasabi ni Karyl. Paluwa na ata ang mata ko sa tanong niyang yun. Selos! Duh! Argh bakit naman ako magseselos! >:(
"Masyado ka niyang binabalewala. Ganyan siya pagkasama ko si Ricky. 1st bf ko kasi siya.. sa lahat ng nakablind date ko, si Ricky ang nagustuhan ko."
Ang lungkot ng mukha ni Karyl. Mas mabuti pa to. Napapansin pa ako. Yung isa naman.. sandali! Nasan na ang baliw na yun! ???
"Gano na ba kayo katagal?" bigla siyang naubo. Agad naman ako naghanap ng maiinom. Nakalimutan ko namang si sheman ang bibili nun.
"Ang tagal ni Tin eh. Bibili na lang ako huh!" nagnod naman siya kaya agad na akong umalis.
Nakakapagtaka. Bakit ako nakabili ng ganong kabilis pero ang babaeng yun hanggang ngayon di pa bumabalik? Eh baka naman bumalik na siya. Tumakbo agad ako.
*PLAK*
"Ah sor- Ikaw.. Ikaw ba yan. GENE!" sabi nung babaeng kakasagi lamang sakin kanina.
Binaba ko ng konti ang cup para di makita ang mukha ko. Agad din naman niyang inabot sakin ang mineral water kaya tumakbo na ako.
Gasp.Gasp.Gasp.Gasp.
Argh! Ang malas talaga ng araw na'to. Pagnahalata ang identity ko, pagkakaguluhan na naman ako tapos ako na naman ang masama. Daig ko pa ang kontrabidang artista nito ah!
*PAKKKKKKKKKK*
??? ??? ???
:o :o :o
8) 8) 8)
May narinig ako bumagsak. At saka ko napansin..
Ang mahabang buhok ng isang babae, matangkad siya na mga kaleeg ko. Tomboyin ang suot. Ang makintab na malambot na buhok. Ang ANGEL KICKER!!!







